^

Pang Movies

Yasmien umaming mukha lang perfect ang pagsasama nila ng asawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Yasmien umaming mukha lang perfect ang pagsasama nila ng asawa

Marami ang naiinggit sa magandang pagsasama ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr.

Tuwing makikita kasi ng netizens ang photos nila sa social media, parang “perfect” daw ang pagsasama nila at parang hindi sila nag-aaway.

Natawa na lang si Yasmien dahil wala naman daw pagsasamang perfect. May times daw na nagkakaroon sila ng pagtatalo ni Rey, pero hindi raw sila umaabot sa nagsisigawan sila.

“Nagkakaroon din ng konting away sa marriage namin, pero pareho kasi kaming kalmado ng mister ko. Parehong mahaba ang pasensya namin kaya nauuwi rin ang pagtatalo namin sa maayos na usapan.

“Open parati ang communication namin ni Rey kaya wala kaming tinatago sa isa’t isa. Alam niya kung kelan ako galit, at alam ko rin kung kelan siya wala sa mood,” ngiti pa ng bida ng Beautiful Justice.

Isa raw sa hindi nila pinagtatalunan ay ang pera. Kahit na may kanya-kanya silang kinikita, pinagsasama raw nila iyon dahil sa future ng anak nilang si Ayesha.“We really don’t count kung sino ang mara-ming nagastos sa bahay. Para naman iyon sa aming dalawa at sa anak namin. Tulungan kami ni Rey para sa future ni Ayesha.”

Bing napilitang mag-training

Enjoy si Bing Loyzaga sa pagganap niya bilang kontrabida. Wala naman daw kasing bagay sa kanya na ibang role. “Sinubukan ko rin ang maging mabait before, pero walang masyadong challenge. Kaya okey ako parati sa kontrabida roles kasi mas napapalaki ko yung character at hindi limitado.

“Like dito sa Beautiful Justice, I play an underworld syndicate leader na kung tawagin ay si Ninang.

“Sa panlabas, mukha siyang mabait, nagkakawang-gawa, pero deep inside, masama siya, manipulative at gagawin ang lahat to gain power.

“Honestly speaking, it’s the first time na ganitong type of villain ang gagawin ko. Yung tago ang pagiging evil niya. Kaya natuwa ako sa binigay nilang role sa akin.

“At least, wala nang lovescene tulad sa huling ginawa ko!” malakas na tawa ni Bing.

Napilitan din si Bing na mag-training kasama ang cast ng Beautiful Justice.

Happy naman si Bing dahil nakasama niya sa isang teleserye si Gil Cuerva na pinsan niya sa tunay na buhay.

“We’re cousins kasi his father and my mother are magkapatid. Pero dahil sa laki ng agwat ng edad namin, he calls me Tita Bing.”

Endgame director na si Anthony Russos binili ang mansion ng Dynasty

Binili ng Avengers: Endgame director na si Anthony Russo ang isang daytime TV history landmark, ang Arden Villa na nakilala bilang mansion ng ABC soap drama na Dynasty.

Sikat ang naturang estate dahil sa lily pond nito kung saan naganap ang famous fight scene ng Dynasty stars na sina Joan Collins at Linda Evans bilang sina Alexis and Krystle Carrington.

Ginamit din ang mansion sa mga pelikulang Terms of Endearment at Billy Madison.

Nabili ni Russo ang mansion for $15.5 million. Ang naturang Pasadena estate ay isang four-storey home with 10,000 square feet, 9 bedrooms and 7 bathrooms. It also has a finished basement, attic space, a wine cellar, game rooms, and a 2,400 square-foot guest house.

Kasama ni Anthony Russo ang kanyang kapatid na si Joe Russo na nagdirek ng Avengers: Endgame na naging highest-grossing movie of all time.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with