^

Pang Movies

Cristine nagpahayag ng pakikisimpatya sa mga magsasaka

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Cristine nagpahayag ng pakikisimpatya sa mga magsasaka

Binigyang-Importansiya ni Cristine Reyes ang ating mga magsasaka base sa nakaraang post sa kanyang Instagram dahil sa kawalan ng suporta.

Ginawa pa niyang ehemplo ‘yung kaganapan sa Amerika na halos hindi na raw nakakakain ng mais at iba pang pagkain ang mga tao dahil sa aniya ay Genetically modified food.

“Dito sa Pilipinas na nabibiyayaan tayo ng masisipag na magsasaka eh hindi naman natin sila sinusuportahan. Mas mahal pa raw ang darak na galing sa ipa ng bigas kaysa sa bigas mismo.

“Balang araw wala na tayong makakaing tunay na pagkain dahil hindi natin sinusuportahan ang mga magsasaka natin. Unahin nating tangkilikin ang mga nagtatanim nating magsasaka.

“Let us campaign and make this call viral,” caption ni Cristine sa isang tila painting na pinost niya.

Hinangaan siya ng netizens sa tawag niyang ito at nagpasalamat ang ilang netizens sa malasakit niya sa ating magsasaka.

Alden instant sikat sa South Korea

Aba, hindi lang worldwide trending sa Twitter sa South Korea ang kaguwapuhan at ngiti ni Alden Richards nang tumanggap siya ng Asian Star Prize award sa nakaraang Seoul International Drama Awards last Friday.

Na-feature si Alden sa XSports dahil sa kanyang smile. Pati nga ang kanyang pagkaway sa mga tao eh nailabas sa My Daily News.

‘Yung intense eyes naman niya ay na-feature sa Sports Seoul pati na sa Newspin at tinawag naman siyang Oppa Alden ng Korean News Account at iba pang babasahin sa Korea at entertainment site.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with