^

Pang Movies

Liza at Enrique tagilid sa pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Liza at Enrique tagilid sa pelikula!
Liza Soberano at Enrique Gil

Babalik na raw muna sa paggawa ng serye sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ayaw pa nilang sabihin kung ano nga ang project, at tila wala pa rin naman silang alam sa detalye ng kanilang mga gagawing role, basta maliwanag na gagawa sila ng serye.

Palagay naman namin, wise decision sa serye na muna sila sumabak ulit dahil pareho nang matagal ang absence nila sa showbiz at kung sasabak sila sa pelikula, tagilid iyon. Simula kasi noong magkaroon ng aksidente si Liza at magpagamot na tumagal naman nang ilang buwan, wala rin namang nagawang project si Enrique. Tila talagang naghintay lang siya ng project na kasama si Liza. Noon sinasabing may gagawin siyang pelikulang iba, matapos na mabalitang gagawin nga ni Liza ang Darna. Hindi natuloy ang Darna, hindi rin naman natuloy ng sinasabing pelikula ni Enrique.

Ang masakit lang, habang nakabakasyon pa silang dalawa, nagbago na ang galawan sa takilya ng mga pelikula. Muli na namang gumawa ng isang napakalaking hit si Kathryn Bernardo, kahit na ang partner niya ay hindi naman ang ka-loveteam na si Daniel Padilla. Kung ngayon biglang gagawa ng pelikula ang LizQuen, talo sila basta naikumpara sa kita ng mga pelikula ni Kathryn.

Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para bumangga sila sa KathNiel, o maski sa KathDen. Kumita naman ang kanilang pelikula in the past, pero hindi kasing laki ng gross ng mga pelikula ni Kathryn na siyang record holder nang dalawang magkasunod na taon.

Hindi maiiwasan ang comparison, kasi kahit na noong araw, pinagkukum­para na ang kita ng mga pelikula nila, kasi nga ang tingin ng marami, si Liza ang isa pang may potential na maging isang superstar.

Papaano mo nga ba maiiwasan ang kompetisyon?

John Lloyd nanglilito na naman

Nakunan ng picture si John Lloyd Cruz sa “mukhang isang set ng pelikula”. Hindi natin alam kung gumagawa na nga ba siya ng comeback, kasi noon may ganoon ding usapan. Iyon pala endorsement lang niya ng shawarma.

Naisip nga namin, baka naman isang commercial lang ang kanyang ginagawa, o baka naman may dinalaw lang siya sa shooting na iyon. Kasi kung si John Lloyd ang gagawa ng come back movie, imposibleng hindi mabalita agad iyon.

Sa dami ng nag-aabang sa kanyang comeback, maitatago ba nila iyon kung nagsimula na?

Aktor gustong bilhin ang mga bold movie niya noon

Talaga raw pinagpipilitan ng isang actor na takpan na ang kanyang nakaraan. Pati nga raw ang mga una niyang nagawang pelikula, gusto na niyang bilhing lahat sa producers para hindi na lumabas pa. Pero mapipigil pa ba iyon eh nakakalat na rin sa internet ang mga luma niyang pelikula, lalo na ang mga eksenang bold.

Dumating na nga siguro ang panahon na gusto niyang makapag-project na ng isang malinis na image, at baka pinagsisisihan na niya ang mga naunang projects na pinatulan niya noon sa paniwalang iyon ang makakapagpasikat sa kanya. Ngayon naghahabol siya para hindi pa kumalat ang mga iyon.

Pasalamat nga siya, walang naging hit sa mga iyon, pero may mga eksena siyang bastos talaga.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with