^

Pang Movies

Luis hinahanapan ng boyfriend si Mara

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Luis hinahanapan ng boyfriend si Mara
Luis Manzano

Ito talagang si Luis Manzano ay nakakatawa, kung hindi man ay nakakatuwa.

Mantakin mo, kuwento ni Mara Lopez na huling napanood sa pelikulang Mina Anud na palabas sa Cinemalaya kamakailan lang, nang malaman daw ni Luis na siya ay loveless, agad nitong sinabi na “ihahanap kita ng boyfriend.”

Well, Luis, hindi lang si Mara ang naghihintay na tuparin mo ang pangakong iyan, pati kami rin.

Mara is the daughter ng former beauty queen na si Bb. Pilipinas-Universe 1982, Maria Isabel Lopez sa first husband nitong Japanese. They are now annulled.

Kasal na ngayon si Isabel sa isang Jewish. They got married in California na dinaluhan naman ni Mara.

Ayon sa huli, masaya na raw ngayon ang mommy niya at masaya rin naman daw siya para rito.

Sa ngayon, Isabel was considered one of local showbiz sexiest actress nang mag-artista siya.

Kathryn confirmeD na ang pagiging Box-office Queen!

Tama nga kaya ang narinig namin? Na ang pelikulang Hello, Love, Goobye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards was considered the box-office hit movie of all time.

Pinalitan na nito sa puwesto ang pelikulang The Hows Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla na kung saan Star Cinema pa rin ang producer at si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor na siyang namahala rin sa Hello, Love…

So ano naman kaya ang pakiramdam ni Daniel doon?

“Overwhelmed siya,” anang isang taga-Star Cinema. “Pagpapatunay lang daw kasi yun na deserving talaga si Kath sa title na Box-office Queen.”

Para naman kay Kathryn, ang tagumpay niya ngayon ay tagumpay din ni Daniel.

Ah, Love.

Kat pinalalakas ang IBC

Happy kami sa pagbabalik-TV ni Arnell Ignacio via the new show Arnell In The House na mapapanood every Thursday night sa IBC (Intercontinental Broadcasting Corporation).

Happier kami lalo na sa pagre-reactivate ng nabanggit sa channel dahil magkakaroon ng trabaho ang ilang TV people na nawalan ng trabaho. Congratulations Kat de Castro, who heads IBC13. Malawak ang kaalaman ni Kat tungkol sa pagpapalakad ng isang TV station, considering na dati siyang nagtatrabaho sa ABS-CBN and her dad is no less than top TV anchor Noli de Castro.

Well, good luck, Kat.

Bagong serye ng Kapamilya kinasasabikan na

Maganda ang reaction, Salve A., sa teaser ng bagong programa ng Kapamilya, ang Pamilya Ko. Bale ba, impressive ang bumubuo ng cast ng show mula kina Joey Marquez at Sylvia Sanchez na siyang gumaganap bilang ama’t ina ng walong anak.

Si JM de Guzman naman ang gumaganap na panganay.

Kasama rin sa cast sina Maris Racal at Jairus Aquino. Plus sina Kira Balinger at Mutya Orquia na gumaganap din bilang mga anak nina Joey at Sylvia.

Nineteen lang si Kira nang ma-introduced siya sa The Story of Us na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Dati siyang na-link kay Ryle Santiago.

Sa Goin Bulilit naman napanood si Mutya. Labis nga niyang ikinalungkot na wala na ngayon ang naturang show.

Now 13 years old, gumanap bilang little sirena si Mutya sa nasabing series, dahil daw sa series na iyon ay natuto siyang lumangoy.

Na-feature rin siya sa My Binondo Girl kasama si Kim.

Labis ang pasasalamat ni Mutya na after Goin’ Bulilit, nagkaroon kaagad siya ng serye, ang Pamilya Ko na dinidirek ni Raymond Ocampo.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with