^

Pang Movies

Coco nadismaya kay Baron, GF na psychologist preggy na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Coco nadismaya kay Baron, GF na psychologist preggy na!
Baron Geisler, Jamie Evangelista

Isa kami sa nanghihinayang sa magaling na aktor na si Baron Geisler na hindi pa rin pala magaling sa kanyang pagiging alcoholic matapos itong boluntaryong pumasok sa rehab at paglabas nito ay namirmihan sa Cebu kung saan nito nakilala ang kanyang non-showbiz fiancé, ang psychologist na si Jamie Evangelista na nagdadalang-tao umano ngayon.

Ang actor-director na si Coco Martin ang nagbigay ng panibagong pag-asa kay Baron nang ito’y kanyang isama sa kanyang top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan lutang ang character at pagiging mahusay nitong actor.

Nabigla na lamang kami nang iparating sa amin ng aming source na bumalik umano ito ng rehab dahil balik umano ito sa kanyang dating bisyo, ang pagiging alcoholic kahit nasa set ito ng Ang Probinsyano.

May pagkakataon umano na ito’y lumalabas ng set para pumunta sa sasakyan kung saang may baon umano itong alak pero pagbalik ng set ay ramdam ng kanyang mga katrabaho na ito’y nakainom dahil sa kanyang amoy.

Disappointed umano si Coco kay Baron lalo pa’t napakahalagang papel ang ipinagkatiwala sa kanya.

Alden buhos-buhos ang biyaya

When it rains, it pours. Ito ngayon ang nangyayari sa Kapuso prized actor na si Alden Richards dahil sa sunud-sunod na magagandang blessings na patuloy na dumarating sa kanya.

Kung gumawa sila ng kasaysayan  ng ka-love-team niyang si Maine Mendoza nang mabuo ang kanilang tambalan nung July 2015 sa pamamagitan ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, muli itong naulit nang magtambal sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon sina Alden at Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng OFW movie na Hello, Love, Goodbye na pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. At habang euphoric pa rin ang pakiramdam ni Alden dahil sa malaking tagumpay ng kanyang movie with Kathryn, heto’t tumanggap naman siya ng Asia’s Star Prize mula sa 2019 Seoul International Drama Awards na ginanap sa Grand Peace Hall ng Kyung Hee University ng Seoul, South Korea nung nakaraang Miyerkules, August 28. Ito’y same award na nakuha ni Dennis Trillo in 2016 na sinundan ni Gabby Concepcion nung 2017.

Nung isang taon ay tumanggap din si Alden ng Silver Award mula sa 2018 New York Festival dahil sa kanyang ginawang Alaala: The Martial Law Special.

Kasalukuyang ginagawa ni Alden ang kanyang pinakabagong teleserye sa Kapuso Network, ang The Gift kung saan umano nito makakatambal for the very first time ang 2018 Miss Eco International-turned actress na si Thia Thomalla na kamakailan lamang lumagda ng kontrata sa bakuran ng GMA-7.

Naging emotional ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. nang tanggapin ni Alden  ang kanyang kauna-unahang award mula sa Seoul Drama Awards ni Seoul, Korea.

Vic at Coney hindi nangingialam kay Mayor Vico

Hindi nakikialam sa batang mayor ng Pasig na si Vico Sotto ang kanyang parents na sina Vic Sotto at Coney Reyes pagdating sa pagpapatakbo nito sa kanyang lugar lalo na pagdating sa usaping puso ng kanilang anak.

At 30, alam umano ni Vico ang kanyang gustong gawin at priorities at ang pagkakaroon ng girlfriend and eventually misis ay wala umano sa kanyang immediate plans.

Liban kay Baby Tali, ang almost two-year-old daughter ni Bossing (Vic) sa second wife nitong si Pauleen Luna, si Vico na lamang sa mga grown-up children ng veteran TV host-producer ang single at wala pang pamilya hanggang ngayon.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with