^

Pang Movies

Liam adik daw sa alak at drugs kaya hiniwalayan ni Miley!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Liam adik daw sa alak at drugs kaya hiniwalayan ni Miley!
Miley Cyrus at Liam Hemsworth

Sa pag-awit ni Miley Cyrus ng kanyang latest single titled Slide Away sa katatapos lamang na 2019 Video Music Awards or the VMAs, parang pinapahiwatig ng 26-year old singer na tuluyan na ngang hindi naayos ang marriage nila ng estranged husband niyang si Liam Hemsworth.

Last week ay nag-file na ng divorce si Liam sa Los Angeles citing “irreconcilable differences”. Ikinasal sila noong December 2018 lamang sa Nashville, Tennesee. May pinirmahan daw ang dalawa na pre-marital agreement.

Sa lyrics na lang ng song ni Miley ay ramdam mo ang panghihinayang niya sa higit na 10-year relationship nito with Liam. Una silang nagkakilala sa set ng pelikulang The Last Song in 2010.

Pinabulaanan ni Miley na naging cheater siya sa pagsasama nila ni Liam. Pero may usap-usapan na ang pagiging lulong ni Liam sa alak at drugs ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila.

“Everyone always thinks Miley is problematic and immature and a hardcore partier while he’s this chill surfer dude, but that’s actually not accurate. Liam parties with his friends and Miley thinks he should’ve grown out of that by now. What she and Liam had for a long time was very special. It’s just hard for her to think that she will never have this again with Liam. There are really so many things that she loves about him,” ayon sa report ng People.

Gil Cuerva nakabalik na uli sa primetime

Natuwa si Gil Cuerva na nagkaroon ulit siya ng primetime teleserye pagkatapos siyang magbida noon sa My Love From The Star noong 2017.

Sa bagong Kapuso primetime teleserye na Beautiful Justice, gaganap si Gil bilang isang PDEA agent na tutulong sa pag-solve sa misteryosong pagpatay sa kanyang mga kasamahan.

Ibang-iba raw ito sa unang teleserye na ginawa niya dahil puno raw ng aksyon at mga malalaking eksena sa pilot week pa lang ng Beautiful Justice.

Isa pang kinatutuwa ni Gil ay ang makasama sa isang teleserye ang kanyang pinsan na si Bing Loyzaga.“Cousins kami ni Bing, pero I call her Tita Bing!” tawa pa ni Gil. “Yung dad ko and her mom are siblings. Wala kasi ako noong nag-story conference. Nalaman ko lang na magkasama kami ni Tita Bing noong mag-training na kami.”

Derrick hiwalay na sa GF na beauty queen

Hiwalay daw muna si Derrick Monasterio sa team-up nila ni Bea Binene at kay Gabbi Garcia naman siya pinartner sa Beautiful Justice.

First time daw niya makatrabaho si Gabbi sa isang teleserye at nadiskubre niya na makulit din daw ito tulad niya.

“Matagal na po kaming magkakilala ni Gabbi, pero ngayon lang kami nagkasama sa isang TV show. Unang impression ko sa kanya ay yung tahimik at very conservative. Nagulat po ako na ang kulit din pala niya. Kaya mabilis kaming nagkasundo kasi nag-aasaran kami kapag walang take,” ngiti ni Derrick.

Zero nga raw ang lovelife ni Derrick dahil wala na raw ang nabalitang Fil-Australian beauty queen girlfriend niya na si Kathleen Joy Paton. Ayaw sabihin ni Derrick ang reason ng break-up nila, pero inamin niyang may dine-date siyang modelo ngayon.

vuukle comment

LIAM HEMSWORTH

MILEY CYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with