^

Pang Movies

Yasmien nasanay na sa pang-hapon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien nasanay na sa pang-hapon!
Yasmien Kurdi

Grabe, noong 2014 pa pala ang last primetime television series ni Yasmien Kurdi sa GMA-7. Kasama niya sa Rhodora X ang mga kasamahan niya sa Season 1 ng Starstruck, sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

In fairness, bongga naman sa ratings ang mga afternoon drama series ni Yasmien sa GMA-7 at siya pa ang bida.

Pero pagkatapos ng limang taon, muling mapapanood si Yasmien sa primetime slot ng Kapuso Network at ito nga ang Beautiful Justice na very timely ang plot dahil tungkol ito sa mga kababaihan na naghahanap ng hustisya.

Excited si Yasmien sa pagbabalik niya sa primetime ng GMA-7 dahil panibagong challenge ito sa kanya. Alam kasi ni Yasmien na iba ang audience ng mga pang-hapon at pang-gabi na programa ng mother network niya.

Misis ng isang PDEA agent na pinatay ang role ni Yasmien sa Beautiful Justice at siya ang maghahanap ng justice para sa kanyang asawa.

I’m sure, maraming mga kababaihan ang makaka-relate sa kuwento ng Beautiful Justice na mapapanood simula sa September 9, 2019.

Malls number one pasyalan ng mga Pinoy

Ewan kung bakit pero talagang nalulula ako sa dami ng mga tao na nagpupunta sa mga mall na number one past time na yata ng mga Pilipino.

Grabe ang buhos ng mga tao sa mall na pinuntahan ko at nakakatuwa na maraming eateries na puno ng mga kostumer.

Pami-pamilya ang nakita ko na sama-samang kumakain at namamasyal.

Kung iisipin, napakaraming malls sa paligid as in halos buong Metro Manila, tambak ang mga mall na pare-parehong pinupuntahan ng maraming tao na sign ng good business at economy.

Parang addiction na rin ang mall fever, gustung-gusto ng mallgoers ang ingat at mood.

Si MJ nga, basta narinig na pupunta sa SM Fairview ang nanay niya, palaging excited. Meron kasi siyang pinupuntahan na playroom habang namimili sa supermarket ang nanay niya.

Malaking bagay din ang mall, one social place where people dream and enjoy their time.

Ubo delikado rin sa mga aso

Nakakatamad gumising sa umaga kapag madilim na naman ang mga ulap at parang uulan nang malakas Salve tulad kahapon. Grabe talaga ang panahon at ang nakakaloka, ngayon ko lang na-discover na may ubo rin pala ang mga dog.

Matagal na ako na may mga alaga na aso pero hindi ko napapansin ang pag-ubo nila. Ang akala ko, nasasamid lamang sila pero sina Chuchu at Suwerte, halos magkakasunod na gabi at madaling araw na walang tigil ang pag-ubo kaya pinatawagan ko ang vet nila na si Dr. John para  ipa-check up sila.

Mabuti na lang, naagapan ang ubo nina Chuchu at Suwerte na puwedeng humantong sa flu.

Grabe pala ang ubo ng mga aso na nakakahawa kaya kaya binigyan agad sila ng antibiotic.

Kapag may pets talaga, parang may mga anak ako na inaalagaan. Hindi ako makatulog sa gabi, lalo na kapag naririnig ko ang pag-ubo nila. Mabuti na lang naagapan.

So tamad talaga, cuddle weather ang paligid pero sana nga, huwag magkasakit ang mga tao at ang mga aso dahil sa paiba-ibang klima.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with