^

Pang Movies

Kapalaran ni Daniel sa ibang leading lady inaabangan

Vir Gonzales - Pang-masa
Kapalaran ni Daniel sa ibang leading lady inaabangan
Daniel Padilla

Suwertehin din kaya?

MANILA, Philippines — Kung iisiping mabuti, napakasuwerte talaga nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, dahil natapos nilang gawin ang box-office film nilang Hello, Love, Goodbye bago pa man lumala ang gulo roon sa Hong Kong.

Imagine, paano kaya kung naipit sila sa awayan doon? Hindi lang perwisyo ang aabutin ng production staff, maaari pang malagay sa panganib ang buhay ng team nila.

Samantala, malaki ang pasasalamat nina Alden at Kathryn sa lahat ng tumangkilik sa una nilang pagtatambal. Nilampasan na ng Hello, Love… ang kinita ng The Hows Of Us ng KathNiel nina Kathryn at Daniel Padilla. Ngayon, inaabangan naman ang turn ni Daniel kung kikita pa rin ba ang pelikula niya kung hindi rin si Kathryn ang kanyang katambal.

Maja papalitan na si Kris sa pagiging Horror Queen?!

May mga nagsasabi na baka si Maja Salvador na raw marahil ang pumalit sa puwesto ni Kris Aquino sa pagiging horror queen.

Ang taas kasi ng ratings ng serye nitong The Killer Bride sa ABS-CBN na bukod sa kanya ay pinagbibidahan din nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Nilalampaso nito ang kalabang serye sa kabilang network.

Bukod talaga sa drama, horror ang gustung-gusto ng mga Pinoy. Magaling ding magdala ng eksena sina Joshua at Janella na bagong kinakikiligan ng fans.

Empoy nagulat sa malaking pagbabago ng Baliwag

Parang hindi makapaniwala si Empoy Marquez noong umuwi siya sa kanyang bayan sa Baliwag, Bulacan. 

Nadadaanan na kasi ang mga kalye sa Plaza Baliwag na dating pinamumugaran ng mga dayuhang vendors na sa gitna ng kalye nagtitinda. Malaking ginhawa daw ang nakita niyang pagbabago sa kanyang bayan.

Fiesta sa Baliwag malapit na

Sa Agosto 28, handang-handa na ang Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco sa gaganaping kapistahan sa Baliwag, Bulacan.

Nakatakdang lumahok sa nasabing pagdiriwang ang mahigit 27 na barangay na may sari-sariling Patron Saint.

Si San Agustin ang patrong dinarayo tuwing may celebration ng kapistahan, may street dancers ding maghahatid ng aliw habang nagaganap ang prusisyon at may iba’t ibang parlor games ding mapapanood.

Nasa ika-limang taon na ang paninilbihan ni Hermano Mayor Jorge sa darating na okasyon, at mukhang sagot niya ata lahat ng magagastos sa nasabing fiesta.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to August born celebrants: Ms. Mel Tiangco, Atty. Persida Acosta, Sen. Leila de Lima, Cogie Domingo, Mother Lily Monteverde, Sen. Lito Lapid, Amalia Fuentes, Aga Muhlach, Yayo Aguila, KaladKaren at Delia Raon.                                              

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with