^

Pang Movies

Sharon at buong pamilya nag-bonding sa Amerika

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon at buong pamilya nag-bonding sa Amerika

Ikinatuwa ng fans and Instagram followers ni Sharon Cuneta ang sunud-sunod na post ni Megastar ng pagba-bonding nila ng buong pamilya sa Amerika.

Pumunta ng New York ang mag-anak (Shawie, Sen. Kiko Pangilinan, Frankie, Miel and Miguel) para ihatid ang panganay nilang anak ni Sen. Kiko na si Frankie dahil mag-aaral na nga ito sa New York University ngayong Setyembre.

Maging ang eldest daughter ni Sharon na si KC Concepcion ay sumunod din sa New York kaya naman kumpletung-kumpleto talaga sila.

Habang namamayasyal nga sila ay panay ang vlog ni Shawie at ina-upload niya sa kanyang YouTube Channel pati na rin sa IG kaya naman nasusundan ng kanyang fans ang kanilang ginagawa roon.

Makikita sa vlog and posts ni Shawie na may dorm nang tutuluyan si Frankie na tinulungan pa nilang maglipat. Kitang-kita rin sa video kung gaano kasaya ang buong pamilya sa kanilang pagbabakasyon sa US.

At makikita rin sa video na lakad sila nang lakad sa streets ng New York na walang make-up at naka-pusod lang siyempre ay doon lang nagagawa ni Sharon at hindi niya pwedeng gawin dito. Kaya naman enjoy na enjoy si Megastar.

Mark napikon nang pintasan si Nicole

Halatang napikon si Mark Herras sa mga pangba-bash na natanggap niya at ng bagong girlfriend na si Nicole Donesa sa social media. Sinagot niya ito isa isa at tinawag niyang “ul*l” ang bashers.

Nag-post kasi ang GMA Network na kinukumpirma ang relasyon nina Mark at Nicole na nagkasama sa katatapos lamang na serye na Bihag.

Natuwa sa balita at nagkomento ng positibo pero may mga negatibo ring reaksyon ang ilang netizens.

“Naku parang c luis manzano lang yan papalit palit parang damit lang pag nag sawa na. Walang forever,” komento ng isang netizen.

Sinagot ito ni Mark ng “ul*l.”

Ang isa namang basher ay kinumpara si Mark kay Gerald Anderson. “Budoy ng gma 7 yan..kya mtulus..lol,” komento nito.

Sagot naman ni Mark, “ul*l bulol ako hindi budoy.”

Ang isa namang basher ay nilait ang hitsura ni Nicole. “Mahilig tlga sa chaka si Mark,” komento nito na siyempre ay hindi pinalampas ni Mark.

“Ul*l ul*l ul*l,” reaksyon ni Mark sa nasabing comment.

Siyempre marami rin namang nagtanggol kay Mark at nagsabing hindi raw dapat i-compare ang aktor kay Gerald dahil maayos naman daw ang naging break-up ng Kapuso actor kay Winwyn Marquez.

In fairness, true naman. Hindi naman “ghosting” ang nangyari kina Winwyn at Mark at talagang may closure sila.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with