^

Pang Movies

Ion nilinaw na ang tunay na relasyon kay Vice Ganda!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ion nilinaw na ang tunay na relasyon kay Vice Ganda!
Ion Perez

Sa isang panayam, itinanggi ni Ion Perez o Mr. Escort ng noontime show na It’s Showtime na may relasyon sila ng main host ng programa na si Vice Ganda liban sa pagi­ging close na magkaibigan.

Sobrang bait ni Vice  at malapit sila sa isa’t isa kaya nabibigyan ng ibang kulay ang kanilang pagiging magkaibigan.

Malaki ang naitulong ni Vice kay Ion para makilala ito ng mga manonood dahil sa kanilang biruan na animo’y totoo sa isang segment ng It’s Showtime.

Pero sa kabila ng pagsasabi ni Ion na close lamang silang magkaibigan ni Vice, mas marami pa rin ang naniniwala na meron silang relasyon ng box office and unkabogable star.

Pagpanaw ng child actress na si Sophie Corullo, ikinagulat

Nakakalungkot naman ang nangyari sa 6-year old child star na si Nina Sophia “Sophie” Gabrielle Corullo na sumakabilang-buhay nung nakaraang linggo, August 18 dahil sa dengue habang ang kapatid nitong lalake ay nasa pagamutan pa rin dahil sa kahalintulad na sakit.

Si Sophie ay produkto ng kiddie Mini-Me contest ng It’s Showtime nung isang taon at nung nakaraang Sabado, August 17 lamang ay napanood siya sa Maalaala Mo Kaya with Yen Santos at Rafael Rosell.

Alden maraming naging first sa Hello, Love…

Alden Richards is looking forward na magkaroon ng part 2 ang movie nila ni Kathryn Bernardo at makatrabaho sa pelikula ang iba pang Kapamilya stars and talents.

Kahit nasa magkaribal na TV networks at network management sina Kathryn at Alden, na­ging posible ang kanilang pagsasama sa pelikulang hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa ibang mga sinehan.

Nasa ika-apat na linggo na sa mga sinehan sa Pilipinas ang Hello, Love, Goodbye at may dalawang linggo naman sa ibang bansa including North America kung saan pumapalo nang husto ang pelikula sa takilya.

Aga at Lea hinihintay pa rin ang balik-tambalan

Hanggang ngayon ay marami pa ring fans ang Aga Muhlach-Lea Salonga tandem ang naghihintay na muling magtambal ang dalawa sa pelikula lalupa’t 24 years na ang nakalipas matapos huling mapanood ang dalawa sa pelikulang Sana Maulit Muli in 1995. Ang nasabing pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Olivia Lamasan na siyang Managing Director ngayon ng Star Cinema.

Sina Aga at Lea ay unang nagtambal sa hit movie na Bakit Labis Kitang Mahal in 1992 na sinulat at dinirek ni Joey Javier Reyes under OctoArts Films at napasama sa 1992 Metro Manila Film Festival. Ito rin ang nagsilbing acting debut ng singer pa lamang noon na si Ariel Rivera.

Si Lea ay visible ngayon as one of the original judges ng The Voice Kids ma­ging ang The Voice Philippines.

Speaking of Lea, siya’y magkakaroon ng two-night gala performance sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa darating na August 30 & 31, 2019 at 8 p.m. billed as Lea Salonga: The Perfect Ten kung saan niya special guests ang kanyang teenage daughter na si Nicole Chien, ang singer and stage actress na si Tanya Manalang, ang The Voice Kids product na si Esang de Torres maging ang singer-stage actor and writer na si Michael K. Lee.  Ang brother ni Lea na si Gerard Salonga ang tatayong musical director kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra and will be directed by stage veteran na si Floy Quintos.

vuukle comment

ION PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with