^

Pang Movies

Kuntento sa pagbuntot kay Maureen, JK wala nang paki sa career!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Kuntento sa pagbuntot kay Maureen, JK wala nang paki sa career!
JK Labajo

Kung gugustuhin naman ni JK Labajo na sundan ang kanta niyang Buwan ng isa pang magandang hit ay magagawa niya, kaya lang ay parang wala ito sa kanyang agenda. Sa halip ay parang kuntento na siyang parang buntot lang ng kanyang rumored girlfriend na si Maureen Wroblewitz na nakasunod sa kahit saang lakad nito, mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa.

Maging ang kanyang pag-aartista ay parang kinalimutan niya na. Ang huling serye niyang ginawa ay ang serye nina Ian Veneracion at Bea Alonzo, ang A Love To Last.

JaDine at KathNiel fans tutol kina Nadine at Daniel!

Dahil uso ngayon ang pagpapalit-palit ng ka-loveteam, looking forward ang ilang fans na pagtambalin sina Nadine Lustre at Daniel Padilla.

Nauna nang itambal ang girlfriend at original ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa Kapuso actor na si Alden Richards, pero ayon kay Kathryn, mas okay nang huwag nang itambal si Nadine sa kanyang boyfriend para hindi na magulo ang fans. Hindi rin daw niya feel na maitambal sa boyfriend naman ni Nadine na si James Reid.

Hindi rin siguro makapapayag ang JaDine at KathNiel fans sa mangyayaring switching kung sakali.

Derek may career na rin sa basketball

Naglalaro na rin pala si Derek Ramsay sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Katunayan mas naging patunay ng hinihinalang relasyon nila ni Andrea Torres na nagsimula diumano sa seryeng The Better Woman nang makita ang seksing aktres na nanonood ng laban ng Batangas vs. Bacoor City na kung saan ay naglaro ang hunk actor.

 

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with