^

Pang Movies

Pirmado ni Pres. Digong, Matteo 2nd lieutenant na, Sarah piniling maglagay ng pin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pirmado ni Pres. Digong, Matteo 2nd lieutenant na, Sarah piniling maglagay ng pin
Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo

Opisyal nang 2nd lieutenant ng Philippine Army si Matteo Guidicelli. Pinirmahan na ni President Rody Duterte ang kanyang papeles.

Of course, proud girlfriend si Sarah Geronimo sa bagong achievement ng kanyang boyfriend. ‘Yan ang feeling niya nang dumalo siya  sa tinatawag na “donning of the ranks ceremony” sa headquarters ng Philippine Army sa Taguig.

Eh sa ganitong okasyon, tradisyon na ‘yung naglalagay ng pin ay magulang o miyembro ng pamilya o ‘di kaya ay asawa. In Matteo’s case, ang girlfriend ang pinili niyang mag-pin.

Sa Twitter account ni MJ Felipe ng ABS-CBN, lumabas ang pictures na present si Sarah sa ceremony at siyang maglagay ng pin sa boyfie.

Bulung-bulungan ng ilan sa showbiz, hindi kaya mag-asawa na sina Sarah at Matteo? Kasi, sa lakad ng Pop Princess, out of sight na ang kanyang Mommy Divine, huh!

Naku, kung proud si SG sa pagi­ging 2nd Lieutenant si Matteo, maipagmamalaki rin niya ang performance ng aktor sa pelikulang Mina-Anud. Rebelasyon kasi ang acting niya at maganda rin ang kabuuan ng movie na dinirek ni Kerwin Go.

Sa totoo lang, dumalo si Matt sa celebrity screening ng movie last Monday sa Greenhills Theater Mall para pabulaanang hindi siya tumutulong sa promotions.

From Greenhills, dumalo siya sa 80th birthday celebration ni Mother Lily sa Valencia Events Place kasama ng ibang cast ng Mina-Anud.

Arnell may panawagan sa show ni Marian

Tinawagan ni Arnell Ignacio si Dingdong Dantes upang bigyang-puna ang napanood na episode ng docu-drama sa OFWs na Tadhana. Si Marian Rivera ang host ng Kapuso program eh dahil wala siyang direct connection kay Yan, idinaan niya kay Dong ang obserbasyon niya.

“Hindi lang naman kasi hirap ng kuwento ng OFWs. Mas maganda rin namang ipakita ang mga successful na kuwento ng OFW. Natuwa naman ako at sa kasunod na episode eh may pagbabago,” pahayag ni Arnell sa mediacon ng bagong show niya sa IBC-13, ang Arnelli in Da Haus.

Magsisilbing daan ang kanyang show kaugnay ng serbisyo-publiko ng gobyerno at mga tao. Isa sa segments ay Like Mo Siya kung saan bibigyang-pugay niya ang ilang ordinaryong nagtatrabaho sa government agencies.

Mapapanood ito tuwing Huwebes, 8:30pm.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with