^

Pang Movies

Tanggap na kasama ang mga bading, Vhong inaaya pa si Vice sa CR!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tanggap na kasama ang mga bading, Vhong inaaya pa si Vice sa CR!

Dahil nga sa lumalaking concerns ngayon ng LGBTQ tungkol sa paggamit ng comfort room, nagbigay na rin ng pahayag si Vice Ganda tungkol dito at nanawagan sa gobyerno na bigyan na sila ng sariling CR.

Ayon kay Vice, dati raw, ang lagi niyang sinasabi tungkol dito ay hindi na kailangan pa ng hiwalay na CR para sa LGBTQ community.

“Pero since issue siya, parang nag-iisip ako, parang dapat yata, may CR ang mga LGBT. Kasi, pag pumasok kami sa CR ng lalaki, ‘yung mga lalaki, hindi kompor­table. At pag hindi komportable ‘yung lalaki, hindi rin kami komportable.

“So hindi na lang kami mag-si-CR, o kaya, ‘yung lalaki, hindi na lang papasok dahil may bakla o transgender doon sa CR nila,” sabi ni Vice sa episode ng It’s Showtime.

Ganun’d din daw sa mga babae na kapag may pumasok na bakla or transgender sa CR, hindi rin daw kumportable ang mga ito.

“At kaming LGBT, hindi kami komportable na hindi sila komportable, so isa sa amin, mag-a-adjust, hindi na lang papasok,” sey pa ni Vice.

Kaya nga aniya, huwag na raw ipilit kung hindi kumpor­table ang isa’t isa at maglagay na lang ng sariling toilet para sa LGBTQ.

“Bakit hindi niyo na lang bigyan ng sariling CR ang LGBT, para may safe place? If men feel that they are unsafe, if women feel unsafe, and the LGBT community feels unsafe, then create a safe place for everyone.

“Kaya nananawagan ako sa gobyerno, create a safe place for everyone. Kung hindi kami matatanggap, bigyan n’yo kami ng sariling CR, gusto lang po  naming umihi at dumumi. ‘Yun lang ‘yun,” pahayag ni Vice.

Tinanong din ng Unkabogable Star ang mga co-host niya sa It’s Showtime na sina Anne Curtis at Vhong Navarro kung hindi ba kumportable ang mga ito kapag may nakitang miyembro ng LGBTQ sa CR, at parehong sagot ng dalawa ay okay lang daw sa kanila.

“Wala namang problema. Kasi, hindi naman ako takot sa bakla, eh. Marami akong kaibigan na bakla, so, nirerespeto ko kung saan siya magsi-CR,” sey ni Vhong.

Sagot naman ni Vice, “at saka ini-invite niya nga ako pag nagsi-CR siya, eh. Ganu’n si Vhong kakumportable sa amin.”

Sabi naman ni Anne, halimbawang may transwoman na pumasok sa CR, okay lang daw sa kanya dahil babae raw ang tingin niya rito.

“Kaya okay lang sa akin. Hindi ako natatakot, hindi ako nako-conscious kasi never papasok sa isip ko na ‘baka silipan ako nito’ or baka may gawing masama,” sabi ni Anne.

Paul hindi nagmamadaling magpa-sexy

Binata na talaga si Paul Salas at hunk na hunk na ang dating. Pati nga ang kanyang mga role ay unti-unti na ring nagma-mature tulad nga ng upcoming project niya na Descendants of the Sun na kung saan ay gagampanan niya ang papel na isang sundalo na level-up na talaga mula sa kanyang mga teeny-bopper roles.

He’s 21 na rin naman kaya tama lang na mag-mature na rin ang kanyang mga papel na gina­gampanan. Tinanong nga namin ang young actor kung kaya na ba niya ang mga sexy role tulad ng ginawa ni Marco Gumabao sa Just A Stranger at ni Kit Thompson sa Belle Douleur na mala-May-December affair ang konsepto.

Sagot ni Paul, kung ano raw siyempre ang plano sa kanya ng management niya na PPL Entertainment at GMA Artist Center, ‘yun ang kanyang susundin.

Pero siyempre, ayaw naman niyang madaliin ang mga bagay-bagay at mas maganda raw kung step by step ang lahat. Sa ngayon ay one step level-up pa lang naman si Paul sa mga roles at hindi pa talaga tumotodo.

“For sure, pagtanda ko, mami-miss ko rin naman ‘yung mga roles na ganito kaya ine-enjoy ko rin muna. Kasi ngayon, nami-miss ko na ‘yung dati kong mga roles nun’g 15-16 ako, ‘yung mga schoolboy ako, kaya ngayon, gusto kong i-cherish muna,” sey ni Paul.

vuukle comment

LGBTQ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with