^

Pang Movies

Bea hindi tumigil sa Muay Thai

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bea hindi tumigil sa Muay Thai

Sunud-sunod ang mga bagong programa ng GMA Network na ilo-launch. Ipinalalabas na ang teaser ng inaabangang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino at iba pang actors ng GMA. At ngayon, naman ipinakita na rin nila ang pag-courtesy call ng cast ng Beautiful Justice sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dumalo sina Derrick Monasterio, Victor Neri, Bea Binene, Valeen Montenegro at Bing Loyzaga, sa opisina ni PDEA Chief of the Public Information Office Director Derrick Arnold Carreon. 

Bale immersion na ito ng cast bilang paghahanda sa kani-kanilang characters sa story as members ng PDEA. May nagtanong nga kung hindi raw ba kontrabida si Bing o member din ba siya ng team.

Bawat member ng cast ay dumaan na rin sa training, si Bea, enjoy dahil muli niyang magagamit ang mga muay thai trainings niya na hindi pala niya hinihinto.  Kasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia. Idinidirek ito ni Mark Reyes.

Bihag masaya ang naging ending

Kinatuwaan ng netizens ang magandang finale ng GMA Afternoon Prime na Bihag last Friday. 

Happy ending ang story nina Jason Abalos, Max Collins at ng anak nilang si Rafael Landicho. Wedding scene ang finale dahil muling ikinasal sina Jason at Max. Pero ang ikinatuwa ng netizens, kung nag-kiss lamang si Max sa cheek ni Jason, sina Mark Herras at Nicole Donesa ay nag-lips-to-lips.

Kapuso stars dumayo sa Kadayawan!

Simula na ng taunang Kadayawan Festival sa Davao City at tulad nang nakagawian ng selebras­yon, dinadaluhan ito ng mga artista sa telebisyon, ng GMA-7 at ABS CBN. At ngayong Sunday, August 18, mangunguna sina Jason Abalos at Mark Herras ng Bihag serye, sa mall show sa Gaisano Mall Toril at 2:00 pm.

Nasa SM City Davao naman mapapanood ang bida ng Love You Two na si Gabby Concepcion sa SM City Davao at 4pm. Makakasama ni Gabby ang mga bida naman ng The Better Woman na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

At ang kukumpleto ng mga artistang magbibigay ng kasiyahan ay sina ang uber team-up ng Ritken, sina Rita Daniela at Ken Chan na bibida sa nalalapit nang primetime series na One of the Baes na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs. Tinagurian itong millennial fairytale na magso-showcase ng journey of love and dreams ng mga Filipino Seafarers. Ilan sa mga makakasama nila sa serye sina Amy Austria at Tonton Gutierrez.

vuukle comment

BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with