^

Pang Movies

Goma binawalang sumali sa sorority si Juliana

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma binawalang sumali sa sorority si Juliana

Natuwa naman pala pareho sina Mayor Goma at Congresswoman Lucy Gomez na ang napili ng kanilang anak na si Juliana sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa unibersidad ay ang UP. Pareho kasi silang sa UP nag-aral. Pinapili naman pala si Juliana, at inamin ng anak ni mayor na pinapili siya sa Ateneo, Dela Salle at UP.

Pagdating sa UP, agad naman nilang inalok si Juliana na sumali sa UP Lady Fighting Maroons, sa kanilang varsity volleyball team, dahil alam nilang hasa na si Juliana sa kumpetisyon sa larong iyon. Siyempre idagdag na nga roon iyong katotohanan na naging member ng national team sa volleyball si Mayor Goma.

Pero isa lang daw ang kabilin-bilinan ni Mayor sa kanyang anak, “wala kang sasalihang sorority”.

“Hindi naman niya kailangan eh. Ang pinaka-magandang ma­sasa­lihan diyan iyon talagang varsity athletics. Kinuha naman siya agad. Sasali siya sa sorority, masasaktan lang siya sa initiation. Kung sa akin siguro ok lang iyon, pero sa anak ko ayoko nang ganoon.

“Mahirap din iyong sasali siya sa kung anu-anong organisasyon, lalo na ngayong nababalita ang recruitment noong hindi magagandang samahan sa UP. Alam naman namin ni Lucy na sa UP ang bata ay tinuturuang maging independent. Mabuti naman iyon, kaya lang huwag naman sobra.

“Hindi itinuturo ng unibersidad iyong sobra eh, nakukuha iyan sa mga kasama nila sa kung anu-anong asosasyon. Kaya sabi ko nga wala kang sasalihan. Walang sorority,” sabi ni Mayor Goma.

Si Congreswoman Lucy naman, ganoon din ang pangaral kay Juliana. Siya naman ang sinasabi niya nag-aral kasi siya sa UP Cebu at hindi naman kagaya rito ang mga rally doon. Basta happy siya na ang desisyon ni Juliana ay mag-college sa Pilipinas dahil ayaw niyang pag-aralin sa abroad at mahiwalay pa sa kanila ni Mayor Goma.

May patama kay Julia? Joshua, faithful ang gustong maging next GF

Ang gusto raw maging girlfriend ni Joshua Garcia ay iyong tipo ng girlfriend na ano man ang mangyayari ay mananati­ling faithful sa kanya. Aba conservative naman pala si Joshua. Bihira na ang mga lalaking ganyan sa ngayon. Karamihan ngayon lalo na iyang mga kabataan, aba parang nagbabalasa lamang kung magpalit ng syota.

Nagkakaroon na kami ng idea kung ano ang dahilan nila ng split ni Julia Barretto. Hindi siguro nakita ni Joshua iyong magiging faithful sa habang panahon si Julia. Kung iisipin nga pala, blessing in disguise pa para kay Joshua na niligawan iyon ni Gerald Anderson.

Aktres the end na sa mga tong

“Wa pakels sa kanya ang mga tungril sa kanyang homebase kaya wala nang pag-asa iyan,” ang kuwento sa amin ng isa na­ming source tungkol sa isang female star. Bukod daw kasi sa hindi naman kagandahan talaga, aba eh ginamitan pa siya ng hashtag sa social media.

“Natural matakot naman ang mga tungrils, lalo na kung iisipin mo ang family background niyan,” sabi pa ng source namin.

Mukhang naaamoy na nga namin ang “the end” niya.

vuukle comment

LUCY GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with