^

Pang Movies

Alex kumikita ng milyones kahit kinaiinisan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alex kumikita ng milyones kahit kinaiinisan!

Marami ang nagsasabi na mukha raw trying hard ang mga ginagawa ni Alex Gonzaga sa social media pero bakit marami ang followers niya?

‘Yan ang nakapagtataka sa mga tao, they say ayaw nila pero curious naman sila. How can you argue with success?

Siyempre, pinakamalaki na validation sa success ang dami ng bilang ng followers ni Alex. Habang marami ang naiinis sa kanya, bongga naman ang datung na kinikita niya sa vlogging.

So, who is the better judge, ang mga tao na ayaw sa kanya o ang millions of followers niya sa social media?

Maganda nga na nag-open o inumpisahan ni Alex kung paano kumita sa vlogging. Ngayon, ang dami nang mga celebrity ang gumaya sa kanya dahil vloggers na rin sila at nagkakaroon na rin ng income na tulad ng tinatamasa ngayon ni Alex.

What a life…

Matigas talaga ang ulo ko. Nagpa-laboratory test ako kaya nalaman ko na eight ang blood sugar level sa katawan ko.

Ang culprit, ang kinakain ko at addicted ako na kundol. Pero dahil nga sa ayaw ko na ipamigay ang kundol ko, talagang hinuhugasan ko lang siya para maalis ang asukal na coating niya.

Naku, kapag mataas pa rin ang blood sugar level ko, kahit hugasan ko, titigilan ko na ang pagkain ng kundol kahit isang big sacrifice sa akin. Kaloka talaga.

‘Yan ang dusa para sa sinuman na may sakit at bawal kumain, nandiyan ang mga pagkain pero hindi puwedeng kainin.

Hay, when you are 72 going 73, such joy in life like kundol hindi na puwede? Unfair. So cruel. What a life!

Docu ng BBC eere sa show ni Dingdong

Simula bukas, August 18, mapapanood sa Amazing Earth ang Life Story, ang special nature documentary ng BBC tungkol sa stages of life ng mga hayop.

Si Dingdong Dantes ang host ng Amazing Earth at tulad ng viewers ng kanyang programa, nag-e-enjoy din siya sa kanyang mga natututunan at natutuklasan tungkol sa maraming bagay mula nang magsimula ang show niya.

Marco star na talaga!

Star na raw si Marco Gumabao dahil kaliwa’t kanan ang mga commitment niya.

Ang sabi nararanasan na ni Marco na tumanggi sa mga guesting dahil may conflict sa tapings at shootings niya.

Hindi nga raw natuloy ang mini-presscon niya kahapon para sa Just A Stranger dahil may taping siya para sa Magandang Buhay.

Ngayong weekend naman, lagare raw sila ni Anne Curtis sa mga mall show para pa rin sa promo ng kanilang pelikula na showing na sa mga sinehan sa August 21.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with