^

Pang Movies

Ang bilis ng mga pangyayari ghosting ni Gerald, pelikula na agad!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ang bilis ng mga pangyayari ghosting ni Gerald, pelikula na agad!
Gerald Anderson
Philstar.com/Jan Milo Severo

Natawa ako nang marinig ko na may pelikula na palang The Ghosting.

Pero hindi si Gerald Anderson ang bida ha. At lalong hindi si Bea Alonzo at Julia Barretto.

Sina Andrea Brillantes and Khalil Ramos ang mga bida ng pelikula na bukas pa lang magkakaroon ng media conference.

 Si Gerald ang nagpasikat ng salitang ‘ghosting’ matapos ngang bigla na lang niyang hindi kausapin ang girlfriend na si Bea Alonzo at si Julia Barretto na nga diumano ang ipinalit.

Actually malayo na ang narating ng ‘ghosting’ na ito.

So similar kaya ang kuwento ng pelikula sa nangyari kina Bea, Gerald and Julia?

Enzo nilantad ang katawan kay Sunshine

Ang daming exposure ng puwet ng Kapamilya actor na si Enzo Pineda sa Cinemalaya movie na MalaMaya with Sunshine Cruz.

Yup, as in meron dung isang eksena na paggising niya wala na siyang saplot at naglakad pa siya papunta sa supposedly dining area ng tinitirhan nila ni Sunshine na walang salwal.

Hihihi.

Kaloka. Pero ang sad, inisnab ng mga manonood ang pelikula sa commercial run nito sa mga sinehan nung Miyerkules.

Young photographer na na-in love sa isang artist (Sunshine) si Enzo pero medyo hindi na-explore ang kuwento kaya parang 1 hour and 20 minutes lang ang running time nito.

Maging nang ipalabas ito sa Cinemalaya ay hindi rin diumano masyadong pinilahan.

Anyway, ang dami nilang intimate scenes dito ni Sunshine ha na parang bitin din ang acting.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with