^

Pang Movies

Gretchen Barretto walang bagong pasabog, natabunan ni Gretchen Diez!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gretchen Barretto walang bagong pasabog, natabunan ni Gretchen Diez!
Gretchen Barretto

Ang bongga ng trans woman na si Gretchen Diez dahil kahit sa abroad ay pinag-uusapan siya.

Si Gretchen ang trans woman na ipinahiya ng isang janitress sa isang mall sa Cubao nang gagamit sana siya ng comfort room na pambabae.

Pati kay Senator Imee Marcos ay nag-courtesy call si Gretchen.

Sabi sa Facebook page ni Sen. Marcos, “Gretchen Diez, the trans woman who figured in a viral video at a Quezon City mall, paid a courtesy call on Senator Imee Marcos at the Senate today.

“The Senator is a known advocate of LGBTQ rights and has, in fact, filed a bill prohibiting discrimination against them.”

May iba namang nagsasabi na mas pinag-uusapan na ngayon si Gretchen Diez compared to Gretchen Barretto dahil parang walang bagong “pasabog” ang huli tungkol sa sister niyang si Marjorie at niece na si Julia Barretto.

Well...

Matteo inaasahan sa celebrity screening ng Mina-Anud

Ang Mina-Anud celebrity screening sa Greenhills Theater on Monday, 5:00PM.

Sabi ni Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, darating daw lahat ng stars including Matteo Guidicelli.

Isama kaya ni Matteo ang girlfriend na si Sarah Geronimo?

After that, may pa-party sila at maraming celebrities na a-attend.

Kris hindi makapaghintay kay Gabby!

Alam mo, Ateng Salve, nakakatuwa rin itong si Kris Aquino.

Halata kasing excited siya sa (K)Ampon movie nila ni Gabby Concepcion dahil pinuntahan niya ang aktor sa first shooting day nito ng pelikula nila at pinasalamatan dahil tinanggap nito ‘yon.

Kung matatandaan, si Derek Ramsay ang original choice sa (K)Ampon, pero dahil busy sa ilang project, nag-back out.

Namigay pa raw si Kris ng pasalubong mula sa recent trip niya sa Japan.

Ininterbyu pa ni Kris si Gabby na ini-upload niya sa kanyang YouTube Channel.

In fairness, positive ang feedback sa balik-tambalan nina Kris at Gabby.

Ngayon pa lang ay marami na ang excited na mapanood ang (K)Ampon.

Samantala, nasa Copenhagen, Denmark ako at may ilang mga Pinoy na nakatsikahan ko roon.

Nanggaling na pala roon si Gabby at nag-show.

Positive ang feedback nila kay Gabby.

Super ma-PR daw ang aktor!

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with