^

Pang Movies

Ricky Reyes walang pagod sa pagtulong

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Ricky Reyes walang pagod sa pagtulong
Ricky Reyes

Hindi pa ako totally healed. Still very sick, pero gagaling ako with the help of Padre Pio, St. Jude Tadeo, Black Nazareno, Mama Mary at sa regalong wheel chair sa akin ng GMA-7.

Grabe itong sakit na dumapo sa akin, muntik ko nang ikamatay.

Tabi-tabi po sa mga kumakain, suka at dumi ng dugo ang nangyari sa akin, pero God is good. Ayaw pa ni Lord Jesus na umalis ako dahil may misyon pang nakaatang sa aking balikat.

Sa tulong na rin ng walang humpay na dasal at gamot, heto po ang inyong Tsuppatid. Salamat sa Oasis of Love at sa lahat-lahat ng mga tumulong sa akin at nagpadala ng prayer cards at tulong pinansyal.

Kay Linda Rapadas na walang sawa at pagod, sa Child House Foundation na kung saan ang founder ay walang iba kung hindi si Ricky Reyes, sa tulong ni Sir Hans Sy at pamilya Sy.

Ang nasabing foundation ay para sa mga kabataang may iba’t ibang sakit, kahit pa matanda.

Ang Child House ay matatagpuan sa Agoncillo Street, Ermita Manila, isang mataas na building na itinayo ni Ricky Reyes sa isang 4 hectares na donated by Philantropist Mr. Henry Sy at anak niyang si Sir Hans Sy.

Kaya ako nasa Child House dahil sa anyaya ni Ricky, para hindi ko na masyadong masimot ang savings.

Sa 3rd floor nito kami naka-confine with complete meals at mga gamit sa katawan.

Nalaman ni Ricky ang nangyari sa akin kaya kami kinuha thru Linda Rapadas, at para malapit sa Philippine General Hospital na ang mga doctor ay magagaling, wala kang bad comments.

Pasasalamat...

God bless all: Tere ng Mowelfund, Ma’am Boots Anson Roa and Ring Rodrigo, Marian ng GMA-7, wheel chair plus medical supply from Madam Coney Angeles, Cong. Dan Fernandez, Sen. Bong Go, Robin Padilla, Philip Salvador, Bayani Agbayani, My Magayona, PM editor Salve V. Asis, Kane Choa at Aaron Domingo ng ABS-CBN PR, Sandy ES Mariano (PMPC Pres.) Mico, Rodel Fernando, Wendell, Willy Revillame, Lolit Solis, Sen. Bong Revilla and family, Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, Ramen Coquia, Joey Ma, Peso Head na si Ms. Perla, PGH Doctors, EMI, Child Haus Stabb and Employees and Dept. Head, Sir Jerry Yap, Maricris Nicasio (Hataw) Daria Ramirez, Maria De Leon, Joey De Leon, Keempee De Leon, at sa mga kasamahan ko sa trabaho specially to Ricky Lo ng Philippine Star at ang ayaw sabihin sa akin ang nagkawang-gawa ng una P20,000 at recently ay P15,000. God bless kung sino ka. At sa mga famous entertainment writer like Ethel Ramos, Aster Amoyo, Virgie Balatico, Jim Astro Bella, pati ang mga officiating priest nang sorpresahin ako ni Ricky Reyes.

Kahit paulit-ulit kong pasalamatan si Ricky Reyes ay hindi sapat dahil sa ginagawa mo sa mga mahihirap na may sakit. Ganoon din kay Jenny na walang sawang pag-alalay sa akin, kay Ate Norma, Norman Sunshine at sa neighbors and friends na dumadalaw sa akin, sina Lani, Nori, Ruth at Brenda.

Amen. (Pagaling ka po tita. God bless you always. - Salve)

vuukle comment

RICKY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with