^

Pang Movies

Matteo ipinagtanggol ng fans sa akusasyong ibang babae ang kasama pag wala si Sarah!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matteo ipinagtanggol ng fans sa akusasyong ibang babae ang kasama pag wala si Sarah!

Ang sagot ni Matteo Guidicelli na “Grabe naman kayo...” sa nag-akusa sa kanyang nakita siyang may kasamang ibang babae sa Cebu. Nasa Cebu kasi si Matteo dahil sa 2019 70.3 Ironman Cebu at siya ang tinukoy sa blind item na male celebrity na nakitang may ibang babae habang nasa Cebu.

Mabuti na lang at hindi naniwala ang fans nina Matteo at Sarah Geronimo at pinayuhan siyang ‘wag pansinin ang tsika dahil bukod sa hindi totoo, not worth the time. May nag-congratulate rin kay Matteo dahil hindi pinatulan ang nag-comment na may ka-secret meeting siya sa Cebu.

Bumilib pa nga ang followers ni Matteo dahil sa short answer at may umaway naman sa nag-comment na gumagawa lang ng isyu at nagpapasikat. Sa sobrang galit ng AshMatt fans sinabihan ang basher ni Matteo na hindi niya ka-level si Matteo dahil wala siyang pera.

Wala ring mapapala ang mga tsismoso at bashers nina Matteo at Sarah dahil hindi maniniwala si Sarah na kapag hindi siya ang kasama ni Matteo, may iba itong kasama. Ilang taon na rin naman ang relasyon ng dalawa and so far, walang malaking controversy sa kanilang relasyon.

Hindi siguro titigil ang tsismis na may ibang babae si Matteo hangga’t hindi sila nakakasal ni Sarah. Kaya lang, wala pa sa plano ng dalawa ang magpakasal, kaya wait muna ang kanilang fans.

Sharon pinasaringan ang mga kaibigang ‘plastik’

Parang may pinatatamaan si Sharon Cuneta sa post niya sa Instagram (IG) na “With friends Elle and Ycoy at dinner tonight. Sila ang totoong payat! Ako pumayat lang, di naman FEELING PAYAT. Hahaha! Daming plastic sa mundo! These two are

so real.”

Hindi na sinagot ni Sharon ang mga tanong ng followers niya kung sino ang pinariringgan niya sa kanyang post, pero ang ibang followers ni Sharon, nakisali at sila na ang nagtuloy ng post ni Megastar at parang kilala kung sino ang plastic na tinutukoy ni Sharon.

Anyway, wala pang reaction si Sharon sa balitang willing si Kris Aquino to co-produce the reunion movie of Sharon and Gabby Concepcion at ang isinagot ni Gabby na ready na siyang mag-shooting any day. Sinabihan lang siya ni Kris na tapusin muna nila ang shooting ng Metro Manila Film Festival entry nilang (K)Ampon  at next year nila gagawin ang Sharon-Gabby movie.

Mark obvious na ang relasyon kay Nicole

Napapanood namin ang Bihag at sa mga eksena nina Mark Herras at ang bagong nali-link sa kanyang si Nicole Donesa, halatang may something sa kanila at ramdam ito sa kanilang mga kilos kapag magkasama sa eksena. Halata sa kanilang body language na may attraction sa kanilang dalawa.

Ang cute nilang dalawa at marami ang boto na si Nicole na ang maging bagong love ni Mark kapalit ni Winwyn Marquez.

Chanda Romero may babala sa mga batang katrabaho

Kasama ni Chanda Romero sa mediacon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas ang kanyang husband. Very proud siguro ang mister ng aktres dahil sa ipinalabas na trailer ng teleserye na magpa-pilot sa August 19, after Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, nagpakita na naman ng husay sa pag-arte ang aktres.

Ginagampanan ni Chanda ang role ni Lady Primarosa Claveria na nakapag-asawa ng Duke, kaya may “Lady” sa pangalan niya. Mayaman ang pamilya niya at anak niya si Wendell Ramos na asawa si Glaiza de Castro at naghihintay magkaapo.

Sa tatlong Kapuso young actresses na nila-launch sa Prima Donnas, si Jillian Ward pa lang ang nakatrabaho niya sa Parekoy at sa gabi ng mediacon, wala pa siyang eksena kina Sofia Pablo at Althea Ablan, ang pangako ni Chanda sa mga bagets, “Promise ‘di ko kayo pahihirapan, pero ‘di ko gaga­wing madali ang mga eksena natin. Hindi puwedeng kampante girls.”

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with