^

Pang Movies

Ruffa na-stress sa birthday ng anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa na-stress sa birthday ng anak

Magkaiba ng mood ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez habang katsikahan ko kahapon.

Si Ruffa ay stressed habang happy and excited naman ang mood ni Raymond.

May kinalaman sa Sweet 16 birthday celebration ng anak na si Lorin ang stress ni Ruffa at tungkol naman sa ABS-CBN Ball 2019 on September 14 ang pagiging happy at excited ni Raymond.

Mahaba ang kuwento ni Ruffa tungkol sa stress na nararamdaman niya lalo na at sa August 31 na ang big event ng kanyang panganay.

Sa rami ng kuwento ni Ruffa, parang na-stress din ako. Hahaha!

Pero siyempre, “to the rescue” kay Ruffa ang nanay niyang si Annabelle Rama, kaya naman bawas na rin ang stress ni Ruffa.

Sa tuwa nga ni Ruffa na palaging nandoroon ang nanay niya para tulungan siya sa lahat ng bagay (except about her boyfriend Jordan Mouyal, of course), nag-post nga ang nanay ni Lorin ng picture nila ni Bisaya.

“Mother dear @annabelleramaig always amuses me or annoys me with her candor & unfiltered opinions. But the truth is, she will always be our anchor during rough waters. Love you Ma!#family #RealTalk,” ang caption ni Ruffa sa picture nilang mag-ina.

Ang bongga!

Anyway, si Raymond, pinaghahandaan ang second year ng Kapamilya network ball dahil sila nina Boy Abunda at Bianca Gonzalez ang red carpet hosts, huh!

Siyempre, sanay na sanay si Raymond sa ganoong task dahil noon pa niya ginagawa ‘yon sa E! Asia, ‘noh?!

Naku, sana nga pala naayos na ni Bisaya ang mga bagay na nagpapa-stress kay Ruffa para sa Sweeet 16 birthday celebration ni Lorin, huh!

Hindi na kasi niya natapos ang mga kuwento niya tungkol doon dahil nag-board na ako sa flight ko going somewhere!

Pops at GF ni Martin matibay ang friendship

Nakakaaliw ang girlfriend ni Martin Nievera na si Anj del Rosario dahil siya pa talaga ang madalas na mag-post ng videos ng kanyang boyfriend at ng ex-wife nito na si Pops Fernandez.

Kasama kasi si Anj sa US concert tour nina Martin at Pops.

Sobrang enjoy nga si Anj sa panonood kina Martin at Pops, huh!Ang ganda rin kasi ng friendship ni Anj kay Pops.

Talagang super close ang dalawa, huh!

Ang saya-saya nga nila kapag magkakasama at walang puwang sa kanila ang mga intriga, ‘noh?! So nice!

‘Yun na!

 

vuukle comment

RUFFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with