^

Pang Movies

Mayor Joy umalma sa janitress na nang-api ng transgender woman!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Joy umalma sa janitress na nang-api ng transgender woman!

Maraming nagalit, Salve sa embarrassing experience noong Martes sa Farmers Plaza Mall ng transgender woman na si Gretchen Custodio Diez na kinaladkad ng isang janitress na nagbawal sa kanya na gamitin ang restroom ng mga babae.

Nag-Facebook Live video pala si Gretchen kaya may matibay na ebidensya sa bullying at harassment na natikman niya sa janitress at ng security personnel ng nasabing mall. At ang nakakaloka, nakaposas pa na dinala si Gretchen sa police station para sampahan ng unjust vexation pero binawi rin ito ng management ng mall dahil lumaki na ang kontrobersya.

Hindi pinalampas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang naranasan ni Gretchen kaya naglabas siya ng pahayag sa nasabing insidente na kinokondena ngayon ng marami at ng LGBTQ+ community.

“Nakatutok ako sa kaso ni Gretchen Custodio Diez, isang transwoman, na umano’y sapilitang pinalabas sa isang comfort room para sa mga babae ng Farmers Plaza at dinala sa QC Police District 7.

“We condemn this kind of discrimination towards members of the LGBT+ community. Ang Quezon City ay ang unang lungsod na may Gender Fair Ordinance upang protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT+.

“Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT+.

“Malinaw na hindi sumusunod ang Farmers Mall sa nasabing ordinansa kung saan lahat ng government offices, private, at commercial establishments ay dapat magtalaga ng “All-Gender Toilets” para sa lahat (Section 5: Affirmative Acts, 1 Affirmative Acts in Employment, Part D).

“Ipinag-utos ko sa Business Permit and Licensing Department (BPLD) na siguraduhin na susunod, sa lalong madaling panahon, ang lahat ng business establishments sa ating Gender Fair Ordinance.

“We assure the members of the LGBT+ community that Quezon City will always protect their rights and be a home for their sexual orientation, gender identity, and expression. We do not support any kind of violence and discrimination in our city. Sa ating LGBT+ community, protektado ang karapatan ninyo sa QC,” sabi ni Mayor Joy na noon pa malaki ang malasakit sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Pagtawid sa malawak na daan sa Commonwealth Ave. delikado!

More than 40 years na ako na dumadaan sa Commonwealth pero ngayon ko lang napansin na sobrang lawak ng kalye na maikukumpara sa NLEX at SLEX.

Na-realize ko na mahaba pala ang tinatawid ng mga tao nang mawala ang mga island at nang umpisahan ang construction sa MRT. Grabe, very dangerous pala talaga ang pagtawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Kung ganoon kalawak ang kalsada, paano kaya tumatawid ang mga matatanda na mababagal nang maglakad?

Sabi ko nga, may malaking tulong din ang traffic jam dahil nang mawala ito, saka ko lang napansin na malawak pala talaga ang Commonwealth Avenue.

Asawa ni Terrence magaling sa negosyo

Masasarap ang mga pagkain sa restaurant na bubuksan nina Terrence at Pia Romeo. Parang nagpa-food tasting si Pia sa amin ni Cristy dahil pinadalhan niya kami ng mga pagkain na ise-serve sa bagong business nila na malapit nang magbukas.

Grabe talaga ang pagiging business minded ni Pia na isang malaking plus factor kay Terrence dahil may asawa ito na masipag at maganda ang PR.

Bukod sa pag-aalaga ni Pia sa anak nila ni Terrence, kaliwa’t-kanan ang mga negosyo na inaasikaso niya. Talagang pinagpala si Terrence dahil mabait, maganda at mahusay sa negosyo ang kanyang legal wife.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with