^

Pang Movies

Alex nag-joke sa pagbubuntis!, Julia sumagsag sa HK

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alex nag-joke sa pagbubuntis!, Julia sumagsag sa HK

Habang akala ng lahat ay hindi puwedeng bumiyahe sa Hong Kong dahil sa mass demontrations na umabot na ng sampung linggo, nakabiyahe doon ang grupo nina Alex Gonzaga and Julia Barretto.

Walang sinabi kung anong ginagawa nila doon pero halos pareho ang pino-post na picture nina Alex at Julia na nagi-stroll habang umiinom ng milktea.

Si Alex nag-joke pa ng “Yesss ako’y nagdadalang.. Milktea to the rescue.”

Common knowledge na maloko si Alex kaya wala namang naniwala sa kanya kahit na nga animo’y pinaumbok niya ang tiyan niya.

Anyway, going back to HK, almost two days nagkaroon ng cancellation ng flight - outbound and inbound sa nasabing bansa dahil nga sa mga protesta na pinaglalaban ang ‘full democracy.’

Bea, Gerald, Julia inaabangan sa ABS-CBN Ball

Marami na ang naghahanda sa gagana­ping ABS-CBN Ball sa September 14.

Pero ang mas inaabangan ay kung dadalo sina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto.

Parating suki ang tatlo sa nasabing bonggang party ng Kapamilya Network.

Anyway, bibigyan ng pagkakataon ang Kapamilya stars at iba pang attendees nito para tumulong na matupad ang mga pangarap ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa naturang ball.

Lahat ng basic needs ng mga bata para sa maayos na edukasyon mula sa kompletong tuition assistance, meal at transportation allowances, school supplies, at ibang fees ay saklaw ng programa.

Sa ilalim ng programa, mabibigyan din ng counseling at training sa basic life skills sa pamamagitan ng social work intervention ang mga bata at kanilang mga pamilya.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with