^

Pang Movies

Team Gretchen, lamang sa Team Marjorie

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Team Gretchen, lamang sa Team Marjorie
Gretchen Barretto

Habang binura na ni Marjorie Barretto ang description niyang “ghost writer” sa kanyang Instagram bio, ang ate naman niyang si Gretchen Barretto ay aliw na aliw sa mga papuri niyang natatanggap dahil sa “ghost buster” naman na inilagay niya sa kanyang IG bio na tila sagot sa younger sister.

Talk of the town last Sunday sa internet ang pagsasagutan ng magkapatid sa kani-kanilang IG bio. Si Marjorie ang unang naglagay ng “ghost writer” description at sumunod naman si Greta sa kanyang “ghost buster.”

Talaga namang naaliw ang netizens sa magkapatid na as we all know ay matagal nang may alitan.

Pero kahapon ay napansin ng netizens na nawala na ang “ghost writer” sa IG bio ni Marjorie na ewan kung bakit niya inalis.

Pinuri ng netizens ang pagiging smart and witty ni Greta na nakakaisip agad ng pangtapat na sagot (or pang-aalaska) sa kapatid.

Komento ng isang netizen, sobrang benta raw ang ginawa ni Greta.

Kung may Team Bea Alonzo, Team Gerald Anderson at Team Julia Barretto, mayroon na rin ngayong Team Gretchen at Team Marjorie.

At sa totoo lang, mas maraming Team Gretchen than Team Marjorie, huh!

Sec. Karlo TV host na rin

Hinahangaan ng marami at kung minsan ay kinakikiligan ng mga kababaihan si Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles dahil sa kanyang porma at karisma tuwing lumalabas ito sa telebisyon at mga pulong balitaan para ipaliwanag ang kasalukuyang mga programa ng administrasyong Duterte.

Si Cabinet Secretary Nograles ang pinakabatang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinakabagong mukha sa burukrasyang ito.

Makikita sa kalihim ang kalamangan ng pagiging bata sapagkat ito ay masipag at bagamat maraming hinahawakang trabaho ay hindi mo kakikitaan ng kapaguran kung saan nagagawa pa nitong mag-host ng show sa PTV 4.

Walang pasubali niyang tinanggap ang pagiging host sa Bagong Pilipinas ng PTV 4 dahil nakita ng kalihim na isa itong oportunidad upang higit pang makatulong sa mga kababayang Filipino.

Isa rin sa kanyang isinusulong ang programang Goodbye Gutom upang iahon ang maraming Pilipino laban sa kagutuman at kahirapan.

“Gaya nitong Goodbye Gutom Program na ating tinutukan, napakarami pang dapat gawin upang tiyakin na bawat Pilipino ay mayroong sapat na pagkain sa hapag kainan. Kaya gagamitin natin na bagong plataporma ang telebisyon para mas maraming Pilipino ang makaalam na may ganitong programa ang ating pamahalaan na makatutulong at tutugon sa ilang suliranin na kanilang kinakaharap,” pahayag ni Nograles.

Si CabSec Nograles ay isang Dabawen­yo, nagtapos ng abogasya sa Ateneo School of Law, dating Chairman ng Committee on Appropriations sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kung saan ipinasa nito ang 2017 at 2018 National Budgets.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with