^

Pang Movies

Acting ni Ella napansin na

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Acting ni Ella napansin na

Hindi na marahil mabubura sa alaala ni Ella Cruz ang pagkakapili sa kanya bilang Best Supporting Actress sa entry nilang Edward sa Cinemalaya 2019, habang si Ricky Davao naman ang napiling Best Supporting Actor para sa pelikulang F#*@bois.

Nanalo namang Best Actor si Jansen Magpusao para sa pelikulang John Denver Trending kung saan tinalo niya ang kalabang si Louise Abuel na nasa pelikulang Edward. Wagi ring Best Actress si Ruby Ruiz para sa pelikulang Iska.

Pinili ang mga ito ng grupo ng mga hurado na binubuo nina Mes de Guzman, Keith Sicat, Dwein Baltazar, Andreas Ungerbock (Austria) at Park Kiyong (Korea).

Sarah natuto nang makipag-banter

Napakasaya talagang panoorin ng The Voice Kids na habang lumalaon ay nagpapatunay na talagang maraming magagaling na singers sa ating bansa, na kahit sa kanilang murang edad ay nagpapamalas na agad ng kanilang talento.

Nakatutuwa ring pagmasdan ang magandang rapport ng mentors/coaches na sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo. Ang huli ay natuto na ring makipag-banter at makipagbiruan sa dalawa niyang mas experienced na co-mentors.

Hindi rin patatalo ang I Can See Your Voice, even at the expense of its host, Luis Manzano, na tanggap namang sintunado siya.

Isa itong encouragement para sa mga gustong makipag-contest sa show kahit na sila ay walang talento sa pagkanta.

iWant madaling panooran

Madali nang napapanood sa ABS-CBN ang mga palabas sa IWant. Hindi na kayo kailangang maghintay pa ng matagal, ilang araw lamang o linggo at palabas na sila sa Kapamilya Network.

Dito ako nakapanood ng pelikulang Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, kaunti lang at iniwan ko agad dahil kasama kong nanood ang mga bagets kong apo. After they went their room, saka ko lang nabalikan ang aking panonood.

Magaling si Tony sa nasabing movie, in fairness.

vuukle comment

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with