^

Pang Movies

AiAi ipinagdasal na lang ang mga kaibigang nam-bully!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
AiAi ipinagdasal na lang ang mga kaibigang nam-bully!
AiAi delas Alas

Hindi tinago ni Comedy Queen AiAi delas Alas na biktima siya ng bullying simula pa noong pinasok niya ang showbiz.

Ang pinakamasakit daw sa bida ng pelikulang And Ai Thank You ay galing pa raw sa mga tinuring niyang kaibigan ang pambu-bully.

Lahat daw iyon ay tinanggap niya kahit masakit, pero pinalakas daw siya dahil sa pananalig niya sa Panginoon. “Nanalig lang ako sa Panginoon na alam ko na hindi niya ako papabayaan. Minsan kasi binibigyan niya tayo ng mga bagay na siya lang ang nakakaalam at nakakaintindi. Maging negative man o positive, blessing iyon sa ating lahat.

“Darating po ang panahon na ’yong negative na ’yon magiging positive sa buhay natin. Itong lahat na nangyayari sa buhay ko, ini-enjoy ko na lang ito. Gift ni Lord sa akin ito. Ito ang extension ng career ko for so many years.

“God is so good kasi hanggang ngayon marami pa rin akong projects at pelikula. Dun ko na-realize nung marami akong ginagawang pelikula ngayong taon na ito, nakakatuwa rin ‘yung mga naaalok na projects sa akin is iba-iba ‘yung character ko.

“Huwag na nating pangalanan ang mga taong iyon na naging bully sa atin. Pinagdarasal ko na lang sila na sana maging maayos pa rin ang buhay nila.”

Juliana Segovia napatigil na ang inang OFW sa pagtatrabaho

Ang maganda raw na pagbabago sa buhay ni Juliana Parizcova Segovia noong manalo siya bilang Miss Q&A 2018 ng Showtime ay ‘yung mapatigil na niyang magtrabaho ang kanyang ina bilang isang OFW.

Kuwento ni Juliana, alam niya ang malaking hirap ng kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya noong kumikita na siya ng maganda sa showbiz, hindi na niya pinayagang umalis pa ang ina. “Mas okey iyon kasi kaming dalawa na lang ang magkasama. Wala akong ibang kapatid at matagal nang namatay ang father ko. Mas gusto kong kasama ang mother ko dito at enjoy akong pagsilbihan siya,” ngiti pa ni Juliana.

Bago pala maging Miss Q&A si Juliana, nagtrabaho ito ng siyam na taon bilang isang call center agent, gamit niya ang tunay niyang pangalan na Tyrone James “TJ” Ortega.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with