^

Pang Movies

Marjorie aminadong may ghost writer si Julia?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marjorie aminadong may ghost writer si Julia?!

Gretchen supalpal

Sa kanyang profile sa social media, idinagdag ni Marjorie Barretto ang words na “ghost writer”. May nagsasabing iyon daw ay panunudyo sa kanyang kapatid na si Gretchen Barretto, na nagsabing ang gumawa ng statement ni Julia Barretto laban kay Bea Alonzo ay isa lamang sa isang “ghost writer”.

Kagaya nga rin siguro ng maraming ibang tao, hindi naniniwala si Gretchen na may kakayahang ganoon si Julia para sumulat o magsalita nang sinasabi niya sa post laban kay Bea. Palagay namin iyon lang naman ang batayan, maliban kung may nagbigay nga ng impormasyon kay Gretchen na may kinuha ngang ghost writer ang kampo ni Julia para kalabanin ang issue na siya ang third party sa isang kaso ng “ghosting”.

Sinasabi nilang sa ginawa ni Marjorie, parang inamin na nga niyang may ghost writer si Julia. Nauna riyan mara­ming ispekulasyon na ang gumawa raw ng statement ay isang abugado. May nagsasabi pang isang entertainment writer din ang involved sa post. Pero ngayon parang sinabi na nga ni Marjorie na siya ang gumawa, o kung hindi man, siya ang kumuha ng gumawa at responsible siya roon.

Maaari rin namang pang-iinis nga lang sa nagbintang na may ghost writer si Julia.

Kung may nag-ghost write man kay Julia o wala, ang masasabi lang natin naging masama ang epekto ng post na iyon sa social media, dahil sa halip ngang halos humuhupa na ang mga usapan, nang lumabas iyon ay lalong naging mainit ang issue, at parang pinahaba lang nila ang agony para kay Julia. Isipin mo iyong bina-bash ka araw-araw, kaya ang ginawa na lang nila, inalis nila ang kanyang comment options para wala na siyang mabasa sa sinasabi ng mga bashers niya.

Ang sinasabi pa nila pagkatapos, nagmo-move on na raw si Julia. Hindi rin kami naniniwala riyan dahil papaano nga ba siya makaka-move on eh kasunod ng controversy ang mga problema sa kanyang career kagaya nga ng pull out ng dalawang major endorsements niya?

MMDA ASEC. laglag sa mga boss vs Doris Bigornia?!

Inilaglag ng MMDA ang kanilang spokesperson na si ASEC. Celine Pialago nang magpadala ng opisyal na sulat si MMDA General Manager Jojo Garcia na pirmado rin ni MMDA Chairman Danny Lim, kay Doris Bigornia ng ABS-CBN, at sinabing wala silang pakialam sa reklamo ni Pialago, bagama’t ang sulat ay ginawa sa official letter head ng MMDA.

Sinabi ng dalawang MMDA boss, na malaki ang utang na loob ng MMDA kay Bigornia at ikatutuwa nila kung siya ay mapanatiling naka-assign sa mga coverage ng balita sa MMDA. Nangako rin sila ng sarili nilang imbestigasyon sa kaso. Pero sa aksyong iyan, halos maliwanag na inilaglag na nga nila si Pialago.

Kung minsan ganyan talaga ang role ng isang spokeperson, inilalaglag ka ng amo mo. Ibig sabihin din niyan, ganoon na rin ang magiging desisyon ng Ombudsman ng ABS-CBN, wala palang reklamo iyong mga amo ng MMDA eh. Natutuwa pa nga sila.

Paggamit ng mukha at pangalan ng artista sa pambubugaw, noon pa uso

Hindi na bago iyang ginagamit ang pangalan o ang pictures ng mga artistang wala namang kinalaman sa kanila para isulong ng ibang mga bugaw ang prostitusyon. Noong araw nga may nauso pang mga “look alike” ng mga artistang babae at lalaki na isinusulong rin sa prostitusyon, at kung foreigner ang client, pinaniniwala nila na iyon mismong mga artista ang kanilang nakaka-date.

Ipinakikita pa ang mga picture ng artista sa mga advertisements ng kanilang mga pelikula, para paniwalain ang mga clients, na karamihan ay foreigners na iyong mga artista mismo ang ka-date nila.

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with