^

Pang Movies

Sharon at Regine may Iconic concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon at Regine may Iconic concert
Sharon Cuneta at Regine Velasquez

Puwede nang makabili ng tiket sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa October 18 and 19. Nakita namin ang prices ng tiket na ang pinakamahal ay worth P11,200 at ang pinakamura ay P560. Kayang-kaya ng fans ng dalawa ang ticket prices conside­ring na sina Sharon at Regine ang performers.

Ang mga K-Pop artists ngang pumupunta ng bansa para sa concert at ‘yung Fan Meet, ang mamahal ng tiket. May nakita nga kaming Korean star na darating, hindi siya masyadong sikat, pero ang tiket sa Fan Meet ay P12,000.

Anyway, sa poster ng Iconic,  una ang pangalan ni Sharon kay Regine at nakasulat ang “The Megastar” at kay Regine, “The Asia’s Songbird”.

Si Rowell Santiago ang director ng Iconic at si Louie Ocampo ang musical director ni Sharon at si Raul Mitra ang musical director naman ni Regine.

Huwag nang maghanap ng guest sa concert dahil kayang-kayang dalhin nina Sharon at Regine ang concert nila na silang dalawa lang at walang ibang kasama. Saka, baka mainis lang ang audience ‘pag may ibang performers silang mapanood dahil kaya sila manonood dahil kina Sharon at Regine lang.

Mariel lilipad pa-Amerika para manganak

Pinagsabay ni Mariel Padilla ang party sa 35th birthday niya noong August 10 at 50th birthday ni Robin Padilla na sa November 23 pa ang birthday, pero in-advance ang celebration dahil wala sila rito ng anak na si Isabella dahil sa Amerika uli manganganak si Mariel.

Post ni Mariel: “I am 35 years old today!!! And last night we had our biggest party ever!!! But it wasn’t for me...it was for my husband he turns 50 this November and sadly Isabella and I will not be here to celebrate with him. So i threw him a surprise party...the whole time he thought it was my party i was planning but it was his.”

Si President Rodrigo Duterte ang special guest sa twin birthday party nina Robin at Mariel at sabi ni Mariel, “Thank you soooo much!!! Your presence made Robin’s 50th most special.”

Dumating din si Senator Bong Go at marami ang nakisaya sa birthday party nina Mariel at Robin na ginawa sa Raffles Makati.

Isisilang ni Mariel ang second baby nila ni Robin na babae pa rin. Samantalang ang stepdaughter ni Mariel na si Kylie Padilla, lalake pa rin ang second baby nila ni Aljur Abrenica.

Rocco emosyonal sa renewal

Naging emotional si Rocco Nacino nang mag-renew ng kontrata niya sa GMA Network kamakailan. Naluha si Rocco nang mag-throwback sa mga u­nang shows na ibinigay sa kanya ng network at ang pag-aalagang ginagawa sa kanya. Pati ang mom ni Rocco, nagpasalamat sa network sa patuloy na pagbibigay ng project.

Ang pinaka-latest na project ni Rocco ay ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun na kung saan, second lead siya ni Dingdong Dantes. Naalala namin, kinampanya ng Kapuso viewers, kahit hindi fans ni Rocco na sa kanya ibigay ang role na ginampanan ng Korean actor na si Jin Goo dahil bagay sa kanya at magkamukha sila. Si Rocco ay si Sgt. Diego Ramos a.k.a Wolfe rito.

Dumaan na sa military training sina Rocco at ibang cast na gaganap na sundalo sa DOTS  at noong isang araw, nag-courtesy call sina Dingdong at Rocco kina Defense Secretary Delfin N. Lorenzana at AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr., sa Camp Aguinaldo.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with