^

Pang Movies

Juancho pag-aagawan sa bagong serye

Joe Barrameda - Pang-masa
Juancho pag-aagawan sa bagong serye
Juancho Trivino

MANILA, Philippines — Napuno ng kilig ang birthday ng Kapuso actor na si Juancho Trivino, thanks to his super adorable na girlfriend at co-host sa Unang Hirit na si Joyce Pring.

Kahit na “fail” ang surprise ni Joyce dahil sa traffic, kinilig pa rin si Juancho sa paandar nitong impromptu lunch bago siya bumiyahe papuntang Tagaytay para sa first taping day ng Madrasta. Nasorpresa naman si Juancho na walang sawang hinalikan ang pisngi ng nobya nang makita ito.

Masaya at excited namang nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa show na kabibilangan ni Juancho at biro pa nito, siya raw ang “chicks” o pag-aagawan sa seryeng ito. “Everything is innovative. The shots, from the costume, from the storytelling of Direk Monti (Paru­ngao), from us basically we’re all new faces in this kind of field. Everything is so exciting kasi hindi rin kami sanay na ginagawa ‘to and we prepared a lot for this project also,” dagdag pa ni Juancho sa isang interview noong pictorial nila para sa Madrasta.

Family History ni Bitoy inuulan pa rin ng magagandang reviews

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng positive reviews sa drama comedy movie na pinagbibidahan nina Michael V. at Dawn Zulueta, ang Family History.

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero ma­rami pa ring netizens ang humahabol na mapanood ang pelikula sa mga sinehan.

Binansagan pa nga ng ilan na ‘best family drama movie of 2019’ daw ang Family History, “Sir @michaelbitoygma gusto ko lang po na sabihin sayo na “SALAMAT”, because I realize that family is very much important than others. Napakahusay po talaga! Tumatawa ako habang umiiyak dahil dalang-dala mo ang damdamin ko. Haha! Seriously. What a great movie! Pang pamilya talaga!” sabi ng tweet ng isang netizen.

Huwag nang magpahuli sa usap-usapan at nakakaantig ng pusong kwento ng Family History na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon!

Kapuso drama series patok din worldwide! 

Patok na patok talaga ang drama series na gawa ng Kapuso Network dahil hindi lang mga Pinoy ang nanonood nito, pati na rin mga ibang lahi huh! Nabalitaan naming pinapalabas pala ngayon sa Kazakhstan ang My Destiny na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Naka-dub ito sa Kazakh at Russian naman ang subtitle!

Samantala, first time namang magkaroon ng Kapuso shows sa bansang Georgia. Napapanood ngayon sa TV Pirveli ang Impostora ni Kris Bernal.

Pinapalabas din tuwing hapon doon ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ni Yasmien Kurdi, The Stepdaughters nina Megan Young at Katrina Halili at Haplos nina Sanya Lopez at Thea Tolentino.

At hindi lang yan, marami ring GMA shows ang pasok sa iba’t ibang TV channels sa Myanmar! Mapapanood doon ang Kambal Karibal at Inday will Always Love You.

Pinapalabas ang mga programang ito sa tulong ng successful partnerships na hatid ng GMA Worldwide, ang content distribution subsidiary ng Kapuso Network. Kaya kahit saang bansa ka man mapunta, may Kapuso show kang makikita! Iba’t ibang lengguwahe pa!

vuukle comment

JUANCHO TRIVINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with