^

Pang Movies

Kris at Rhea Tan forever generous

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris at Rhea Tan forever generous

Alam mo Salve, promise ko na hindi muna ako travel dahil very tiring at wala naman halos purpose ang mga travelling na ginagawa ko.

Pero hayan, isang travel bag na naman ang give sa akin ni Rhea Tan ng Beautéderm at promise ni Kris Aquino na more surprises dahil nga nalaman nito na nasira ang Louis Vuitton one-nighter bag na binigay niya.

Parang sign na maraming biyahe ang gagawin ko para magamit ko ang handcarry bag na ibinigay ni Rhea at ang padating na ibibigay sa akin ni Kris.

Hay naku, over-flowing blessing talaga, so lucky with my guardian angel na tinitiyak na ang mga friend na mami-meet ko sa life ko ay mga rich generous Asians. Thank you talaga.

‘GCASH very convenient’

Napupuyat ako sa kababasa ng GCash info ha. Bukod pala sa napakaganda nito na debit card, grabe pala sa rami ang mga tinutulungan na charity ng GCash, ang mga bata, breast cancer patients, ang environment, animals, ecology, Philbio, Red Cross at iba pa na talagang impressive.

Tatawag ako kay Ney Villasenor agad-agad at mag-a-apply ako ng GCash card.

Kapag gumamit ako ng GCash card, parang donor na rin ako sa charitable institutions na tinutulungan ng GCash.

At nakita ko nang bumili si Cucai kay Ronite, Gcash ang ibinayad niya, kaya puwedeng hindi na magdala ng ng cash sa mga bayarin.

Ay naku Salve, bukas apply na ako sa GCash dahil very convenient siya talaga kaya pala ito ang gamit ni Lynette Baldivino. Halika na, ikaw naman ang reyna ng credit card.

Kinalasan tuloy ng dyowa, aktres nabaliw sa pagpapaayos ng mukha!

Kaloka ang isang aktres na biglang nagbago ang hitsura. Kahit mag-deny ang aktres, halatang-halata na may ipinabago siya sa kanyang mukha dahil malayung-malayo na ang hitsura niya kesa noong aspiring star pa lamang siya.

Can afford na ang aktres na magparetoke ng mukha dahil limpak-limpak na datung na ang kinikita niya pero sana, maghinay-hinay siya.

Sobrang drastic ang pagbabago ng mukha niya, hindi dahan-dahan kaya sure na sure ang publiko na nagpatsugi siya ng mukha.

Karapatan ng aktres na magpaganda pero hindi niya dapat kalimutan na nakipaghiwalay ang kanyang boyfriend sa ex-dyowa nito dahil naging bisyo ni girl ang magparetoke ng face.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with