^

Pang Movies

Ang Probinsyano ayaw magbigay ng chance sa ibang seryeng naka-line up?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Ang Probinsyano ayaw magbigay ng chance sa ibang seryeng naka-line up?!

MANILA, Philippines — Malaking pagbabago ang naganap sa role ni Judy Ann Santos nang makasama na rin ito kamakailan lang sa ser­yeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Kung dati ay puro kinakawawa at inaapi ang role niya, o kaya naman ay madalas na iyakan, ngayon naman ay nasa aksyon na siya.

Tulad ng role ni Lorna Tolentino, misteryosa rin ang kanyang role. Hindi malaman kung bago ba siyang love interest ni Coco, bagong kakampi o kalaban.

Samantala, ang serye niya sanang Starla ang ipapalit sa AP, pero dahil hindi pa rin daw matatapos ang nasabing serye, ipinasok na lang muna si Juday doon.
sa sobrang haba na ng nangyari kina Cardo, hindi na alam kung papaano ito matatapos. Hindi na tuloy nagkakaroon ng chance ang iba pang magagandang serye na naka-line up sa ABS-CBN.

Sabagay, marami nang nabigyan ng trabaho ang Ang Probinsyano, baka malungkot ang mga umaasa rito kung tatapusin na nila ito.

Pia Moran hinahanap

Nasaan na kaya ang dating showbiz dancing queen na si Pia Moran? Sumikat ito nang husto noon at naging bida sa iba’t ibang pelikula. Nakapag-produce rin ito noon ng ilang shows.

Noong araw, walang puwedeng tumalbog sa kanyang trono, lalo na sa dance floor, kaya ngayon ay hinahanap ito ng ilang fans niya.

Samantala, taong 2009 nang mapabalitang nahuli sa isang drug operation ang nasabing aktres kasama ng iba pang sangkot. Pero ayon sa kanya, hindi raw siya kasama roon at nadamay lamang siya.

Pelikula ni Nora umaasang panonoorin pa rin

Nagsimula na ng shooting si Superstar Nora Aunor sa pelikula niyang Isa Pang Bahaghari sa Noveleta, Cavite. Si Direk Joel Lamangan ang magdidirek ng nasabing pelikula.

Hindi pa rin makapaniwala ang fans ng batikang aktres dahil talagang tuloy na tuloy na ito.

Ilan sa mga makakasama niya sa cast ay sina Sanya Lopez at Zanjoe Marudo na galing sa magkaibang network.

Umaasa ang fans ni Nora na kikita ang pelikula niyang ito at panonoorin pa rin ng maraming Noranians.

Samantala, ang mga leading man naman niyang sina Michael de Mesa at Phillip Salvador ay nag-leave na rin sa kani-kanilang mga ginagawa. Si Ipe ay nagpaalam na diumano na mawawala ng sandali sa tabi ni Bong Go at babalik na lang muli pag hindi na busy sa kanilang pelikula.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to August born:

Ms. Ethel Ramos, Barbie Forteza, Paco Arespacochaga, Aga Muhlach, Cesar Montano, Atty. Persida Acosta, Marcelo Lagmay, Direk Joven Tan, Shonee Greene at Mario Dumaual.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with