^

Pang Movies

Alex, Actor/Director sa pelikula nila ni Piolo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alex, Actor/Director sa pelikula nila ni Piolo

Si Alessandra de Rossi ang sumunod kay Michael V na director/actor ng sariling pelikula dahil kung si Michael may Family History, si Alex may Fuffy and Fream na pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual. Si Alex ang actor/director ng movie na produced ng Spring Films at first day shooting pa lang, marami na ang nag-congratulate sa kanya.

“Direk Alex” na nga ang tawag sa aktres, nakakatuwa lang dahil sa first day shooting niya, may picture na natutulog siya at ang caption ay “Ano toooh! 1st take, tulog ka? Oh, here we go! Day 1!.” Katabi ng picture ni Alex na natutulog ang photo niya na katabi ang clap board na nakasulat ang “Dir. Alessandra de Rossi.”

Ang daming pabirong naiinggit kay Alex dahil nga naman, si Piolo ang aktor niya sa first directorial job niya, eh ang daming director na gustong maidirehe ang aktor. Tapos si Alex ang nanalo at mukhang panalo rin ang movie sa takilya dahil ang daming cu­rious at interesadong mapanood ang Fuffy and Fream.

Kakai ‘di na apektado sa bashers

Na-bash na naman si Kakai Bautista dahil sa comment sa post na picture ni Alden Richards habang nasa Dubai sila para sa Middle East Premiere ng movie nina Alden at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye na pinalabas sa Dubai at Abu Dhabi.

Nag-comment kasi si Kakai ng “Umuwi ka na biby!!!” ayun, sumunod na ang bashing sa kanya. May nagtanong pa kung sina Alden at Kakai na at may isang galit na galit na galit na nag-comment ng lahat na lang ng pogi inahas na ni Kakai akala mo raw maganda ang komedyana. Hahaha!

May nagtanggol kay Kakai at ipinaalalang magkaibigan lang sila ni Alden at close ang buong cast ng Hello, Love, Goodbye, pero ‘yung iba ayaw papigil sa pamba-bash kay Kakai na para bang mortal sin na ang ginawa nito.

Sorry na lang ang bashers ni Kakai dahil sa mediacon ng And Ai Thank You, nabanggit niyang hindi na siya tinatablan sa bashing, sanay na sanay na siya. Ang kapalit nga raw ng bashings sa kanya ay blessings na totoo naman.

Sunud-sunod ang pelikula ni Kakai, naunang pinalabas ang Family History, sumunod ang Hello, Love, Goodbye at sa August 14, showing ang And Ai Thank You na bida si AiAi delas Alas. Dream come true kay Kakai ang makasama sa pelikula si AiAi na idol pala nito at isa sa kanyang inspirasyon.

Curious lang kami, galit din kaya ang ibang fans ni Alden sa maraming girls na nagpahayag na nagka-crush sila kay Alden mula nang mapanood nila ang aktor sa Hello, Love, Goodbye?

Twitter ng GMA, nakikisakay daw sa Gerald-Bea

Inakusahan ng netizens na sumasakay at nakisawsaw sa isyu nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ang GMA Network dahil sa tweet na “Sino sa kanila ang gusto mong mag-guest sa Kapuso Artist Tambayan? Jerald o Bea?”

Pictures nina Jerald Napoles at Bea Binene ang nakalagay. May nag-suggest na dapat isinama nila si Julia Clarete na dahil matagal nang wala sa showbiz at dahil walang artista ang GMA-7 na may pangalang Julia, si Julianne Lee na lang daw dapat ang isinama.

Anyway, nagbiro at nagpatawa lang naman ang nasa likod ng Twitter account ng GMA Network, hindi na dapat sineseryoso. Pero dahil din sa nasabing tweet, simula na naman ‘yun ng word war ng Kapamilya at Kapuso fans.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with