^

Pang Movies

Glydel mahusay na negosyante!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Glydel mahusay na negosyante!

Love na love ko talaga si Rhea Tan ng Beautéderm, Salve. Imagine, ni-renew niya ang contract nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado as Beautéderm ambassadors.

Tinuruan din ni Rhea na mag-business si Glydel na sa totoo lang, ang hilig-hilig sa negosyo at time management.

Bongga si Rhea dahil kahit kagagaling lang niya sa sakit, kayod-trabaho agad at heto nga diretso sa renewal of contract nina Tonton at Glydel.

Salamat Mama Rhea sa pagmamahal mo sa mga alaga ko na love na love ka rin dahil nakikita nila sa’yo ang sincerity ng isang kapatid, Beautéderm forever, promise.

At siyempre nagpapa-ad ka sa Take It.. namin.

Kakai aminadong nang-ghost!

Bongga ang comedienne na si Kakai Bautista na buong ningning na nagsabi na hindi pa niya naranasan na maging biktima ng ghosting dahil siya ang nanggo-ghost.

Tinalbugan ni Kakai ang kanyang friend na si Bea Alonzo na ghosting victim ni Gerald Anderson.

Na-justify naman ni Kakai ang kanyang pralala. Kapag hindi na raw siya pinapansin ng mga mhin, hindi na siya naghahabol as in bigla na lang nawawala ang beauty niya.

Mapapanood si Kakai sa pelikulang And Ai Thank You, ang comedy movie ni AiAi Delas Alas na showing sa mga sinehan sa August 14.

Dream come true para kay Kakai na makatrabaho niya si AiAi sa isang pelikula.

Doris Bigornia inakusahan ng pamimisikal

Sina Doris Bigornia at MMDA Assistant Secretary Celine Pialago pala ang mga subject ng Sino? ni Arnold Clavio sa DZBB noong Miyerkules.

Confirmed na si Celine ang tinutukoy na biktima ng bullying ng isang television news reporter dahil sa sulat na ipinadala niya sa management ng ABS-CBN New & Current Affairs.

Kaloka ang mga reklamo kay Doris dahil inakusahan ito ni Celine ng paninigaw, pananakit at paninirang-puri.

Ipinagkakalat daw ni Doris na fake ang ilong, katawan at ang buong pagkatao ni Celine. May isang insidente raw na pisikal ang pananakit ni Doris nang hindi sinasadya na nabangga siya ni Celine.

Nang tanungin kung ano ang ikinaiimbyerna sa kanya ni Doris, walang maisagot ang assistant secretary ng MMDA dahil hindi nga nito alam ang ugat ng ikinagagalit ng Mutya ng Masa ng ABS-CBN.

Mabibigat ang mga akusasyon ni Celine laban kay Doris kaya dapat itong sumagot.

vuukle comment

KAKAI BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with