^

Pang Movies

Angel nagpaliwanag sa ‘kwentong barber’!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angel nagpaliwanag sa �kwentong barber�!
Angel Locsin
Angel Locsin/Instagram

Sinagot ni Angel Locsin ang akusasyon ng ilang netizens na shading sa issue nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson ang IG post niyang “Kwentong barber” habang may ginugupitan siyang bata.

May nag-react kasi ng related sa statement ni Julia ang kanyang IG post at inakusahan na naman siyang nakisawsaw sa isyu ng tatlo.

Apparently, nakarating kay Angel ang reaction ng netizens, kaya nag-post uli ng IG story at ang sabi, “The world doesn’t revolve around certain issues. I would never use a child to convey something negative.”

Kaya lang, merong ayaw maniwala sa paliwanag ni Angel at wala na itong magawa kung mali ang interpretasyon ng iba.

Anne tinawag na cougar!

May special screening ang Just A Stranger movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao this Friday, August 9, sa UPFI Film Center, UP Diliman. Free entrance ang screening pero, first come first served basis pero sa August 21  pa ang regular showing ng movie ni director Jason Paul Laxamana.

Speaking of Anne, nag-react ito sa isang article sa PEP na kung saan ay napabilang siya kina Sunshine Cruz, Mylene Dizon at Angel Aquino sa pagiging  mas bata naman sa kanila si Anne. Nagkataon lang na sa Viva Films movie na Just A Stranger, mas bata sa kanya ang leading man na si Marco.

In real life, 10 years lang yata ang age gap nina Anne at Marco at puwedeng magka-inlaban lalo na at wala sa hitsura na 34 years old na siya.

Kate may attitude na?!

Ang reaction sa mga nakabasa sa post ni Kate Valdez na “Congratulations @mikee and ate @tinyhedwig love you and miss you both” sa post ni Jo Berry na “Together again! #comingsoon.”

Sana raw kasi ay hindi nag-attitude si Kate para tuluy-tuloy ang shows niya sa GMA-7. May tsika kasing nag-attitude si Kate after ng success ng Onanay, kaya pati sa Studio 7, inalis na rin siya.

Anyway, magkasama uli sina Jo at Mikee Quintos sa The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Si Jo Berry ang gumaganap na nanay-nanayan daw ni Alden, kaya sila ang madalas magka-eksena. Hindi pa namin alam ang role ni Mikee, pero kasama siya sa first taping day ni Alden.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with