^

Pang Movies

Bea mas lamang kina Gerald at Julia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bea mas lamang kina Gerald at Julia
Bea Alonzo

Kung ako naman ang nasa lugar ni Bea Alonzo, Salve, dignified silence at taas kilay school of acting gagawin ko.

Ang direct accusation ni Julia Barretto na bully siya after nangyari ang lahat, dapat kibit-balikat na harapin ni Bea at ‘hoy you don’t belong in my league’ na reaction ang ibigay niya.

No need to answer, no need to explain, walang responsibility si Bea na ibigay ang side niya.

So ayaw mo na sa akin? Go where you want, no hurt feelings, my self respect is intact, thanks for the goodtimes, goodbye.

Self-defense ang makita na matatag ka, hindi umiiyak, hindi mukhang kawawa. Mas nakakainis ‘yung parang nag-self- pity ka at humihingi ng awa sa mga tao sa paligid mo.

Let the natural flow of things happen, in the end we will know who won the game.

Sa kanilang tatlo nina Julia at Gerald Anderson, mas lamang ang posisyon ni Bea kaya keep it that way. Wala lang, ayaw mo na, okay face the consequences, life will go on for me, Bea Alonzo ako no!         

Coco endorser na rin ng siomai!

Isa ako sa mga tao na hindi naiinis sa traffic. I enjoy people watching. Enjoy ako na makita ang mga ad sa bus, nag-i-Instagram ako, nag-o-observe.

True na nakakainis kapag pressured ka sa oras, stressful kapag mainit ang panahon pero kung wala kang magagawa dahil kahit saan traffic at mahirap pa ang solusyon, bakit kailangan na ma-stress ka?

Just follow the flow, agahan ang kilos, gumawa ng puwedeng gawin habang nasa gitna ng traffic. Kung hindi nga dahil sa traffic, hindi ko makikita ang Master Siomai ad sa bus na si Coco Martin ang endorser.

Tuwang-tuwa ako dahil pati siomai, endorser din si Coco. Bongga!

Pati ang showing ng pelikula, makikita na rin sa mga bus kaya mukhang effective way of advertising ito, lalo pa nga na hindi umaandar ang mga sasakyan dahil sa trapik.

Mini-grocery magandang gawing business

Naku nagseselos na ang UltraMega supermarket at ang friend ko na si Mang Erning Lim dahil ang akala nito, sa S&R na ako namimili eh bongga ang wholesale pricing ng UltraMega na ang laking tulong sa mga entrepreneur.

Tinutulungan ng UltraMega ang young businessmen pagdating sa negosyo. ‘Yung maliliit na retail stores, kinukuha nila ang kanilang mga paninda sa UltraMega at tuwing anniversary nito, bongga ang mga pa-raffle nila para sa kanilang mga suki, mga kotse, trip abroad at lahat yata ng high tech gadgets.

Maraming outlets ang UltraMega, sa Cavite, Laguna, Novaliches, Parañaque at iba pang lugar na makikita n’yo sa kanilang website at Facebook page.

Kung gusto n’yo na mag-start ng negosyo, ang magtayo ng retail store, sari-sari or mini-grocery ang pinakamaganda sa lahat dahil walang talo.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with