^

Pang Movies

Team Bea vs Team Julia, lantaran na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Team Bea vs Team Julia, lantaran na!
Bea Alonzo, Julia Barretto

Nagkampihan na sa showbiz at nakikita na kung sino ang Team Bea (Alonzo) at Team Julia (Barretto).

Naunang magpahayag ng suporta kay Bea Alonzo sa “panloloko” diumano ni Gerald Anderson sa kanya sina Kris Aquino, Iza Calzado, Dawn Zulueta, Claudine Barretto, Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Chiba Cojuangco, Camille Prats, Dinna Bonnevie at marami pang iba.

Dumating pa sa puntong sunud-sunod ang pagpapadala ng flowers kay Bea at kabilang sina Gretchen at Claudine sa nagpadala ng flowers at pati si Angeline Quinto at pati non-showbiz, nagpadala ng flowers.

Team Julia naman sina Karla Estrada, Gabbi Garcia, Moira, Jessy Mendiola at ‘yung iba, ayaw siguro ipaalam na kampi sila kay Julia, kaya hindi nagko-comment sa Instagram (IG) na as of yesterday, open at hindi disable.

Malakas din na kakampi ni Julia ang kanyang pamilya sa pangunguna ng mom niyang si Marjorie Barretto, mga kapatid na sina Dani, Claudia at Leon at lola na si Inday Barretto at pinsang si Pocholo Barretto.

Tanong ng isang netizen, kung talagang may relasyon sina Pocholo at Angelica, hindi kaya sila magkaroon ng conflict kung team Bea si Angelica?

Speaking of Gretchen, hindi lang ang diumano’y pagha-hire nina Julia ng ghost writer para maganda ang kalabasan ng official statement ni Julia, ang binuking, ipinangalandakan pang Team Bea siya. Hahaha!

May tsika pang may money involved kaya ipinagtanggol si Julia ng isa niyang close relative.

‘Kaloka! Ang daming tsika sa isyung ito!

Karla nagsalita sa pagiging Team Julia

May nag-react pala sa pag-comment ni Karla Estrada kay Julia Barretto at ang sabi, ‘wag na siyang makisali sa isyu ng iba. Sagot ni Karla, “kaibigan ko silang lahat.”

May pumuri naman kay Karla sa pagpapakita niya ng suporta kay Julia kahit alam na big risk ang ginawa niya. “Everyone is a friend” ang sagot ni Karla. “Yes” din ang sagot ni Karla kung pati ba si Bea Alonzo ay kaibigan din niya.

Isabelle, Duday pa rin ang tawag

Kabilang si Lorna Tolentino sa nag-congratulate kay Isabelle de Leon sa pagpasok nito bilang isa sa candidates sa 2019 Miss World. Matatandaang si LT ang gumanap na ina nina Isabelle at Jiro Manio sa pelikulang Magnifico.

Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, marami pa rin ang tumatawag kay Isabelle na “Duday” ang pangalan ng karakter niya sa sitcom na Daddy Di Do Du kasama sina Vic Sotto, Danica Sotto at Maxene Magalona.

Mikee tinawag na starlet dahil kay Alden

May mga namba-bash na pala kay Mikee Quintos dahil inakalang siya ang leading lady ni Alden Richards sa bagong teleserye ng aktor sa GMA-7. Kesyo downgrade raw si Mikee dahil after Kathryn Bernardo sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye, ang baguhang si Mikee ang makakapareha ni Alden.

May tumawag ng starlet kay Mikee at hindi raw bagay kay Alden, eh hindi pa nga sinasabi ng network kung ano ang role ni Mikee sa teleserye na may working title na The Gift.

Anyway, sabi nang nakausap naming taga-GMA-7, wala talagang leading lady si Alden sa The Gift. Ang sabi, kahapon ang first day t­aping ng The Gift, today naman ang schedule ng lipad nina Alden at Kathryn Bernardo para dumalo sa international screening ng Star Cinema movie sa Dubai at Abu Dhabi.

Samantala, sa update ng Star Cinema, may P319,429,863.44 million na ang box-office gross ng Hello, Love, Goodbye  as of August 6.

vuukle comment

BEA ALONZO

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with