^

Pang Movies

Kit nagpasilip!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Kit nagpasilip!
Kit Thompson

Habang ginagawa diumano ang pelikulang Belle Douleur (Beautiful Pain) nina Kit Thompson at Mylene Dizon, pinalagyan ng plaster ni Atty. Joji Alonso na siyang direktor nito ang maselang bahagi ng katawan nito para hindi makita sa parte ng mga maiinit na eksena. Ganunpaman, hindi marahil nadala sa plaster ang parte niyang ito kaya dumungaw pa rin ito. Ito ngayon ang pinagkakaguluhan ng entertainment media kaya naman gustung-gusto lalo ng ilan na mapanood ito at makita.

Payag naman si Kit na magpakita ng kanyang katawan, pero ayon kay Atty. Joji, pinutol niya ang mga eksenang ito. Tinanggal niya ang ilan bilang pag-aalaga sa kanyang artista.“Maghintay na lang muna siya at i-save ang mga ganitong scenes for the future. Malayo pa ang mararating niya,” katwiran ni Atty. Joji.

Julia walang sagot sa kanila ni Gerald

Matapos ang ilang linggong pananahimik, nagbigay na rin si Julia Barretto ng official statement tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan kasama sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa post sa kanyang Instagram account, inakusahan niya si Bea ng pambu-bully na siya namang pinagtawanan lang ng ilang netizens. Wala rin daw natatandaan na siya ang tinutukoy ni Bea na third party ni Gerald.

Bagama’t nagsalita na sa isyu, hindi naman kinlaro ni Julia ang relasyong namamagitan sa kanila ng aktor. Kay Bea lamang siya nakatutok.

Samantala, as of this writing, wala pa ring sagot si Bea tungkol sa mga akusasyon ni Julia.

Traffic lumalala!

Grabe naman ang nangyaring traffic noong Martes. Umalis ako ng bahay ng 10:30AM for a 12PM presscon. Okay naman sa Commonwealth, nasa East Ave na ako by 11:30PM pero inabot ako doon ng tatlong oras dahil hindi gumagalaw ang sinasakyan kong taxi.

Dumating ako ng ABS-CBN ng past 2:00PM, halos tapos na ang presscon, nagkukuhanan na lang ng litrato. I left ABS-CBN at 3:00PM papuntang Quiapo. No buses. maagang nag-car ban dahil sa traffic. Again, I booked a taxi and reached my destination at past 5:00PM.

I bought what I had to buy, 5:30PM tapos na ako, I reached Novaliches ng lampas 9:00PM, 3 hours ang biyahe. Ano yun?

Nadine tuluy-tuloy ang suwerte

Matapos tanggihan ni Nadine Lustre ang role niya sa gagawin sanang pelikula na Miracle Cell No. 7 kasama si Aga Muhlach, napunta na ang role niya kay Bela Padilla.

Ganunpaman, nag-premiere na ang pelikula niyang Indak with Sam Concepcion kamakailan lang, at ngayon naman ay balitang magiging judge siya sa isang reality search ng ABS-CBN minus James Reid pa rin.

Patuloy ang pagdating ng magagandang project para sa kanya. Maganda rin kasi ang pag-aalaga na ginagawa sa kanya ng Viva.  Huwag sanang mangyari sa kanya yung kasabihan na kapag masuwerte ka sa trabaho, mamalasin ka naman sa pag-ibig.

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with