^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn mas tumibay ang relasyon sa mga negosyo

Pang-masa
Dennis at Jennylyn mas tumibay ang relasyon sa mga negosyo
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado

MANILA, Philippines — Hindi malinaw ang sagot sa amin ni Dennis Trillo nang deretsahang tinanong namin kung nagli-live in na ba sila ni Jennylyn Mercado.

“Ayokong sabihin na…yung mga live in na yun…parang napaka-80s naman nung ano eh.

“Masaya kaming magkasama…basta’t meron kaming free time, minamabuti namin na magkasama,” sagot niya sa amin nang nakatsikahan namin sa mediacon ng pelikula niyang Mina-Anud.

Kilala naman naming tahimik talaga si Dennis at kapag tungkol sa mga personal na isyu ang pinag-uusapan, tipid na tipid ang mga sagot.

Basta proud siya sa magandang relasyon nila ni Jennylyn na hindi lang sa puso sila nagkakasundo bilang partners, kundi pati sa mga nasimulan nilang negosyo.

Tuloy pa rin daw yung cookies na ginagawa ni Jennylyn na kung saan tumutulong din siya pati sa pagbebenta nito.

“Medyo marami na kaming nasimulan.

“Actually, meron kaming build and sell na business. Isa yun sa pinagkakaabalahan namin,” pakli ng Kapuso Drama King.

“Siyempre pag ka partners kayo lalo na sa totoong buhay, hindi lang sa isang bagay kayo magiging partners, kailangan sa lahat ng bagay,” sabi pa niya.

Lalong nagpapayabong sa maganda nilang relasyon itong mga nasimulan nilang negosyo. Taliwas ito sa ibang magkasintahang nagkakasira kapag may pera nang involved.

Doon nga raw niya nakita na magaling pala humawak ng negosyo si Jennylyn dahil talagang hands-on daw ito sa lahat na detalye ng negosyo at nandiyan lang siyang sumusuporta.

“Nakita ko na talagang iba na siya mag-isip, naging mature na. Tuwang-tuwa ako na talagang concern na siya sa mga kinabukasan naming pareho.

“So, ayun mas pinapatibay lang namin yung relasyon para hindi masayang lahat yung mga pinaghihirapan namin,” saad ni Dennis.

Para naman daw ito sa maganda nilang kinabukasan na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na.

Pero siyempre, bago yan doon na papasok ang planong pagpapakasal, pero wala pang definite na sagot diyan ang aktor.

Tinanong kasi namin kung next year na kaya natin mababalitaan yan?

“Hindi ko masisigurado kung next year na kaagad. Pero malalaman nyo rin, mababalitaan nyo rin,” tipid niyang sagot.

Pati nga sa proposal ay wala rin siyang sagot tungkol diyan. Basta pinaghahandaan na raw niya ito.

Kit lalong pinaglawayan sa ginawa kay Mylene

Congratulations kay Atty. Joji Alonso sa kanyang first directorial job na Belle Douleur na entry sa Cinemalaya 2019.

Ito ang kauna-unahang nagkaroon ng gala night nung nakaraang Sabado at talagang pinuno nito ang Tanghalang Nicanor Abelardo.

Masigabong palakpakan ang reaksyon ng mga manonood pagkatapos ng screening.

Pero sa tingin namin ang talagang nagwagi roon ay si Kit Thompson na lalong pinagnasaan sa mga daring scenes na ginawa nila ni Mylene Dizon.

Sa totoo lang, hindi pa rin talaga mukhang cougar doon si Mylene kahit 23 years na ang agwat ng edad niya kay Kit dahil fit na fit naman kasi talaga ang katawan niya.

Pero walang kaarte-arte roon si Mylene na ibinigay niya lahat para sa pelikulang ito ni direk Atty. Joji Alonso. Sinasabi naman niya sa nakaraang presscon na medyo challenging talaga sa kanya dahil bahagi siya sa pangarap ng magiging film director ang tutuparin niya sa pelikulang ito.

“It’s somebody’s dream eh. May pangarap yung tao, tapos pinili ka niya na itawid yung pangarap. So, it’s not just ay trabaho lang to. You’re fulfilling somebody’s dream,” pahayag ni Mylene sa nakaraang presscon ng Belle Douleur.

Pagkatapos ng Belle Douleur, sumunod naman ang gala ng Ani (The Harvest) ng baguhang direktor ding sina Kim Zuniga at Sandro del Rosario.

Kahapon naman ang gala ng Edward ni Thop Nazareno, F#*@bois ni Edyardo Roy, Jr., at ang Pandanggo Sa Hukay ni Sheryl Rose Andes.

Ngayong gabi naman ay ang gala night ng Children of the River ni Maricel Cariaga, at ang Iska ni Theodore Boborol.

Bukas naman ang Malamaya (The Color of Ash) nina Leilani Chavez at Danica Sta. Lucia, at ang John Denver Trending ni Arden Rod Condez.

Sa Miyerkules naman ang gala night ng obra ni Xian Lim na Tabon.

Sa Sabado, August 10 ang closing film na Mina-Anud at sa Linggo na ang awards night. 

 (GORGY RULA)

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with