^

Pang Movies

Joshua cute kay Janella

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apektado man ang loveteam ng JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto, tuloy pa rin sa paggawa ng sariling pangalan ang young actor.

Sa bago nitong teleserye na The Killer Bride kung saan kasama niya sina Maja Salvador at Janella Salvador, marami ang nagsasabi na mukhang cute silang tingnan ng huli. Ganunpaman, friends lang ang dalawa.

Enjoy na enjoy sina Joshua at Janella sa shoo­ting nila sa isang hacienda sa Lucban, Quezon.

Samantala, dahil sa nangyaring isyu sa pagitan nina Julia, Gerald Anderson at Bea Alonzo, marami ang nakisimpatya kay Joshua at sinasabing hindi bagay sa kanya si Julia. Masyado raw siyang gentleman para rito.

Noranians nagdiwang sa Bahaghari

Muling nabuhayan ng loob ang Noranians nang dumating ang alok na pelikula ni Direk Joel Lamangan kay Nora Aunor, ang Isa Pang Bahaghari.

Ang naturang pelikula ang tinanggihan ng mga dating ka-loveteam ni Nora na sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III. Ganunpaman, madali namang naipalit sa kanila sina Phillip Salvador at Michael de Mesa bilang mga bagong partner ni Nora.

Nalungkot na ang marami nang magkasakit ang direktor na si Arlyn dela Cruz na siya sanang magdidirek ng isa pang pelikula ni Nora, ang Ninang Corazon, pero hindi na ata ito matutuloy dahil sa nangyari.

Samantala, masayang-masaya naman ngayon ang fans ni Nora dahil tuloy na tuloy na ang pelikula nito, hindi ba Marie Cusi at Pete dela Cruz na mga loyal Noranian?

Pagiging retokada ng mga artista, hindi na isyu

Huwag naman sanang intrigahin kaagad ang bagong Darna na si Jane de Leon, huwag na sa­nang gawing isyu ang tungkol sa pagiging retokada niya. 

Sige nga, magbigay nga kayo ng mga artistang hindi retokada? Maging buhok nga nila ay pinakukulayan pa nila para magmukhang tisay, gayung Pinay naman talaga sila, and besides simpleng probinsyana ang karakter ni Darna at hindi kailangang sobrang ganda. Hindi naman beauty contest ang pinag-uusapan dito no!

Shaira may pag-asang sumikat

Mukhang sisikat ang aktres na si Shaira Diaz na bini-build up ng Kapuso.

Galing si Shaira sa TV5 pero wala nang showbiz doon kaya napunta siya sa Kapuso. Kasaluku­yang ipinapareha siya kay David Licuaco, at saktong perfect naman ang kanilang tambalan.

Nagbida na sa movie ang dalawa kaya lang hindi napansin ng madla na palabas na pala.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to July born celebrants na sina Ms. Susan Roces, Cynthia Ugalde, Tan Melissa Mendez, Kiray Celis, Ms. Winnie Monsod, Andrew E., Troy Montero, Direk Brilliante Mendoza at Maricris V. Nicasio.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with