^

Pang Movies

Erwan hindi nanonood ng mga premiere night ng pelikula ni Anne

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kahit sampung taon nang magkasama sa top-rating noontime show na It’s Showtime sina Vice Ganda at Anne Curtis, never pang nagsama sa movie ang dalawa. Kaya ganoon na lamang ang excitement lalo na ni Anne nang malaman niyang magtatambal sila ni Vice sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Momalland na nakatakdang idirek ni Barry Gonzalez under Star Cinema and Viva Films. Makakasama rin sa movie sina Tony Lab­rusca at Dimples Romana.

Pero bago simulan ni Anne ang Momalland, ay magiging busy muna siya sa promo ng kanyang upcoming romance-drama movie with Marco Gumabao, ang Just A Stranger mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na siya ring nagdirek ng pelikulang Between Maybes na tinampukan ng controversial pair ngayon na sina Gerald Anderson at Julia Barretto na ipinalabas nung nakaraang May 2019.

May mga intimate scenes sina Anne at Marco at hindi kaya ito maging dahilan ng pagkakaroon ng problema ni Anne sa kanyang mister na si Erwan Heussaff. “Not at all,” deklara ni Anne sa presscon ng Just A Stranger na ginanap sa Le Reve Events Place in Quezon City last Wednesday eve­ning.

Ayon kay Anne, naiintindihan umano ni Erwan ang kanyang trabaho bilang actress. Hindi umano nanonood ang kanyang mister during the premiere night dahil naaasiwa siya hindi dahil sa mga daring scenes ni Anne kundi sa kanya umano nakatingin ang mga tao sa loob ng sinehan para tingnan ang kanyang magiging reaction sa mga eksena ng misis sa movie.  Nanonood na lamang daw silang mag-asawa sa commercial run ng movie.

Anne is proud of her husband na si Erwan sa pagiging supportive and understanding nito. Wala umano silang hindi pinagkakasunduan ng kanyang mister lalo na pagdating sa kanyang work.  Most of the time ay si Anne pa ang nagi-guilty dahil siya na ang nawawalan ng oras para kay Erwan.

Ang pelikulang Just A Stranger na tinatampukan din ni Edu Manzano ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide on August 21.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with