^

Pang Movies

Parang abroad ang peg sexy star nagka-jet lag nang bumiyahe sa Cebu!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, ang tindi ng jet lag na nararamdaman ko habang tinitipa ang item na ‘to.

Actually, ka-text ko rin si Ogie Alcasid na kadarating lang kahapon sa San Francisco, California para sa ASAP in Bay Area sa San Jose, California on Saturday, August 3 (sa Sunday morning sa atin).

Sabi ni Ogie, ang tindi rin ng jet lag nila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid.

“Hindi kami makatulog,” sabi ni Ogie na almost 1:00AM na nang maka-text ko.

Pero sabi naman ni Ogie, sa show nila on Saturday, hopefully, makapag-adjust na sila ni Regine.

Ang hirap talaga ng jet lag, huh!

Pero ano nga ba ang jet lag? Ang simple explanation ay, “Jet lag, also called jet lag disorder, is a temporary sleep problem that can affect anyone who quickly travels across multiple time zones.”

Ang iba kasi, ginagamit ang salitang jet lag kapag sumakay ng plane.

Naalala ko pa ang isang sexy star noong araw na may presscon at kagagaling lang ng Cebu.

May dialogue kasi ito sa press na, “Sorry, medyo nahihilo ako. Kagagaling ko lang kasi ng Cebu kanina!”

Akala yata ni sexy star basta sumakay ka ng plane ay magkaka-jet lag ka na.

Hahaha!

Belle Douleur nina Mylene at Kit kinasasabikan

Ateng Salve, sa totoo lang, excited akong mapanood ang Belle Douleur na idinirehe ni Atty. Joji Alonso.

Kilala si Atty. Joji sa pagiging magaling na movie producer.

Napakarami na rin niyang naiprodyus na pelikula na matitino, kaya for sure, as a director, matino rin ang kanyang pelikula!

Sana tangkilikin din ang Belle Douleur na pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson.

Actually, marami ang excited sa pagpapa-sexy raw ni Kit sa pelikulang ito!

Snooky pinaiingay ng fans sa social media

 In fairness, may mga fan si Snooky Serna na gumawa ng Facebook page kung saan ay pino-post nila ang old photos, projects, publicity materials ng aktres.

Natutuwa raw kasi sila sa mga nangyayari ngayon sa career ng dating tinaguriang “Pagong”.

Ang sipag-sipag kasi ngayon ni Snooky at never na ring nagkaroon ng negative news sa kanya.

Ang dinig ko nga pala, ang Sahaya series kung saan kasama si Snooky ay hanggang last week of August pa or first week of September.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with