^

Pang Movies

Tony handang lambingin si Vice

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tony handang lambingin si Vice

Hindi makapaniwala si Tony Labrusca na siya ang napili ni Vice Ganda para maging leading man sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Momalland. Aniya nang makatsikahan namin kahapon sa finale blogcon ng serye niyang Sino ang Maysala? Mea Culpa, sobrang honored siya na makasama ang Unkabogable Star sa isang pelikula pati na si Anne Curtis na isa rin sa lead stars.

Natanong ang aktor kung willing ba siyang magkaroon ng kissing scene or love scene with Vice Ganda at napa-Oh my God ang aktor.

“You know what, Mama Vice, I think, is looking out for my best interest as well. I think, she’s out there to take care of me. I don’t think she’ll make me do anything that I will personally be uncomfortable with and if ever there’s gonna be a sensitive subject or scene, pag-uusapan muna namin ‘yun.

“And si Mama Vice, as you all know ay isa sa pinakamabait at open-minded na tao sa showbiz,” pahayag ni Tony.

Hindi naman daw sa hindi siya kumportable to do kissing scenes or love scenes with Vice pero aniya ay hindi pa raw niya nababasa ang script at hindi niya alam kung kailangan ba talaga o hindi ang mga ganun’g eksena.

Pero ready naman daw siya sa mga pakilig or makipaglambingan with Vice.

“Ako, excited ako sa mga ganu’n na eksena, siyempre, pampakilig sa mga audience namin, lalo na sa audience ni Mama Vice. For that, I’m ready, you know,” sey niya.

Samantala, hanggang next week na lang ang Sino ang May Sala, Mea Culpa at inaabangan ng lahat kung sino ba talaga ang may sala, gayundin, kung ano ang mangyayari sa mga karakter ng 5 magbabarkadang bida na sina Juris (Bela Padilla), Drei (Tony), Garlord (Sandino Martin), Lolita (Ivana Alawi at Greco (Kit Thompson).

Bela maraming natutunan kay Jodi

Sa nasabing finale blogcon pa rin ng Sino ang May Sala? Mea Culpa, puring-puri ni Bela ang kanyang co-star na si Jodi Sta. Maria. Almost 9 months na silang magkakasama sa taping at talaga raw dito sila nagkakila-kilala ng buong cast.

“Kay Jodi, wala akong masabi. As in, mula umaga, kung ano ang disposisyon niya ng 7am, hanggang umabot kami kung anon’g oras man, ‘yun siya.

“’Di ko makakalimutan ‘yung pinagtitimpla niya kami ng milk tea sa set, ang lakas niyang magpakain, silang dalawa ni Ivana, actually. Pero si Mama Jods, lagi niyang sinisigurado na lahat kami kumportable, lalung-lalo sa eksena. So, sobrang na-appreciate ko ‘yun,” sey ni Bela.

And not only that dahil outside of work ay napakarami raw niyang nakuhang wisdom kay Jodi.

“Sa life, travel, food, everything. Pag nakausap mo siya, ang dami mong matututunan,” sambit pa ni Bela.

Asked kung may kabaliwan or craziness din ba si Jodi sa set na hindi nakikita ng ibang tao, ani Bela ay may Colgate dance raw ang aktres na lagi nitong sinasayaw sa kanila.

“Bago kami magpabigat ng eksena,” sey ni Bela.

When asked kung ano ang mangyayari sa mga karakter nila sa ending at kung sino ba talaga ang maysala, ani Bela ay kinunan daw sila isa-isa ng scene na sila ang maysala pero hindi lang daw nila alam kung ano ang ieere kaya abangan na lang daw.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with