^

Pang Movies

Julia hindi na matatakasan ang kontrobersiya nila ni Gerald

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julia hindi na matatakasan ang kontrobersiya nila ni Gerald
Julia Barretto

Mukhang malabo pa na magtapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto na kung saan si Bea Alonzo ang nakakuha ng simpatiya ng publiko bukod pa sa suportang nakuha nito sa ilang mga kasamahan sa industriya kasama na rito ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto na parehong tiyahin ni Julia na nagpadala ng magkahiwalay na orchid flowers kay Bea.

Si Bea ay nakatrabaho noon ni Claudine sa TV series na Ikaw ang Lahat sa Akin in 2005 habang si Gretchen naman ay naging co-star ni Bea sa tele­seryeng Magkaribal in 2010.

Thankful si Bea sa kanyang supporters at mga kaibigan dahil nakakatulong ang mga ito para mabilis siyang makapag-move on sa pinagdadaanan ngayon. Idagdag pa riyan ang pagiging busy niya ngayon sa kanyang trabaho dahil may bago siyang serye at pelikulang gagawin mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at kung saan niya parehong makakasama si Richard Gutierrez.

 Sa movie ay kasama ni Bea sina Richard at Angelica Panganiban habang sa serye naman ay magiging co-star nila ni Richard ang nagbabalik-Kapamilya na si Rafael Rosell, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, Ana Abad Santos, Isabel Daza at iba pa at kung saan may special guest participation sina Edu Manzano at Nonie Buencamino.

May upcoming movie naman ang dating magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto, ang zombie film na Block Z na pinamahalaan ni Mikhail Red under Star Cinema kaya tiyak na hindi makakaligtas ang panganay ng estranged couple nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na hindi magsalita sa kanila ni Gerald.

Up to this time ay tahimik pa rin sina Gerald at Julia sa gitna ng mga kontrobersiya na kanilang kinasasangkutan ngayon.

Dingdong busy na sa DOTS

Isa nang ganap na Kristiyano ang second baby ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Jose Sixto ‘Ziggy’ Gracia Dantes na bininyagan last Sunday sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish Church sa Magallanes, Village, Makati City.

Si Ziggy ay isinilang last April 16.

Ilan sa mga tumayong godparents ni Baby Ziggy ay sina Richard Gutierrez, Kim Atienza, Boobay, Paolo Contis, Sid Maderaso at iba pa.

Samantala, magiging abala si Dingdong sa kanyang bagong sisimulang drama series sa GMA-7, ang local adaptation ng Koreanovela na Descendants of the Sun.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with