^

Pang Movies

iWant parami ng parami ang mga pagpipiliang palabas!

Pang-masa
iWant parami ng parami ang mga pagpipiliang palabas!

MANILA, Philippines — Habang parami nang parami ang nanonoood ng iWant originals, mas dumadami rin ang mapagpi­piliang panoorin sa naturang streaming service matapos nitong ipakita ang mga bago at star-studded na original movies, series, at documentaries.

Rumampa sa entablado ang cast ng comedy series na Call Me Tita na kinabibilangan nina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, at Mylene Dizon sa kanilang performance ng Dancing Queen ng ABBA.

Ipapalabas ang serye ngayong Agosto at itatampok ang kuwento ng limang magkakaibigang tita, na naghahanap ng kilig at mga bagay na kasasabikan sa buhay.

Magbabalik naman ang socio-political action drama series na Bagman, kung saan ipagpapatuloy ni Carlo Aquino ang laban para umangat sa mundo ng pulitika at katiwalian.
Magsasama naman sa unang pagkakataon sina Derek Ramsay at Jessy Mendiola sa action-drama film na Mga Mata sa Dilim, habang bibida naman si Elisse Joson sa You Have Arrived, na susuungin ang mga panganib ng social media.

Dadagdag din sa palaki nang palaking koleksyon ng iWant ang family drama na Kargo tampok sina Rio Locsin at Markus Paterson, ang Loving Emily ni Iza Calzado, ang Story of My Life ni Zaijian Jaranilla, at ang Taiwan That You Love ni Barbie Imperial.

Dalawang documentary series naman ang dapat na abangan ng iWant users – ang TNT Boys: Journey to the World Stage at The Last Manilaners: A Quezon’s Game Documentary.

vuukle comment

IWANT ORIGINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with