^

Pang Movies

Angelica hindi nagpapadala sa gimik, masaya sa piling ni Cholo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angelica hindi nagpapadala sa gimik, masaya sa piling ni Cholo!
Angelica Panganiban

Ang sagot ni Angelica Panganiban sa wish ng isang fan nila ni Carlo Aquino ng reunion ng dalawa. Sabi kasi ng CarGel fan, “Kahit minsan lang... mabuo ang pamileh” at naka-tag sina Angelica at Carlo.

Sagot ni Angelica, “Nope. Sorry. Spare me. Si Khang at si Josh lang ang tinuturing kong pamilya. Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo:).”

Marami ang humanga kay Angelica kahit hindi niya fans dahil hindi nagpapadala sa gimik ang aktres at hindi pinapaasa ang fans nila ni Carlo na ang ilan ay naniniwala pa rin na magkakabalikan pa rin ang dalawa. Pero, heto at dineretso na sila ng aktres na wala na silang maaasahan.

Lalo na ngayon na may GF na raw si Carlo at si Angelica ay nali-link kay Pocholo Barretto at sa IG Story ni Angelica, parang “Pudding” pa ang tawag niya kay Pocholo. Matagal ng magkakilala sina Angelica at Pocholo at kung talagang sila na, malaki ang pag-asa na magtagal ang kanilang relasyon dahil kilala na nila ang isa’t isa at hindi na magpapa-cute pa para magustuhan.

Fans nina Alden at Kathryn nag-pramis na uulit-ulitin ang  Hello, Love…

Sa Cinema 3 ng SM Megamall ang premiere night mamaya ng Hello, Love, Goodbye, ang Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Matagal nang hinihintay ito ng kani-kanyang fans, kaya hindi kami magugulat kung umaga pa lang, marami na ang tao sa SM Megamall at sa 300 cinemas kung saan, showing ang nasabing pelikula.

Anyway, twice nang ipinalabas sa time slot ng Eat Bulaga  ang Hello, Love, Goodbye at nag-post si Allan K ng suporta sa showing ng movie sa July 31. Masaya na ang fans ni Alden doon kahit hindi niya puwedeng i-promote sa Eat Bulaga ang movie nila ni Kathryn.

Speaking of Alden, nominated siya sa dalawang categories sa 9th EdukCircle Awards. Nominated siya for Best Male Noontime Show Host at 5 Most Influential Male Endorser of the Year.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with