^

Pang Movies

Pia at Marlon sobrang in love pa rin sa isa’t isa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pia at Marlon sobrang in love pa rin sa isa�t isa
Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger

Hiwalayan eklay lang daw

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Los Angeles, California.

Pagkatapos ng appearance niya sa Barrio Fiesta sa London, England, sa US naman nagpunta si Pia.

Kasama raw si Pia sa ASAP in Bay Area sa San Jose, California, pero nauna na raw itong nagpunta sa L.A.

May nagtsika sa akin na pasunod sa L.A. si Marlon Stockinger.

Mag-sweethearts pa rin ang dalawa at mali ang akala ng iba na tuluyan na silang naghiwalay?

Sobrang in love pa rin daw sina Pia at Marlon sa isa’t isa.

Ang bongga!

Martin bitbit ang GF sa pamamasyal kasama si Pops at mga anak

Ang Instagram story ni Anj del Rosario kung saan kasama na nila nina Martin Nievera at Santino sina Pops Fernandez, Robin at Martin Nievera sa pamamasyal sa Disneyland sa Anaheim, California.

Noong isang araw ay nandoroon lang sila at nang dumating na si Pops sa L.A. ay sama-sama na sila sa tinaguriang “happiest place on earth”.

Maganda ang samahan ni Pops at Anj (girlfriend ni Martin).

Nakakatuwa na makita silang masayang magkakasama.

Ruffa parang nakakita ng multo sa gagamba at ipis

‘Kaloka si Ruffa Gutierrez.

Nagtititili siya nang makakita ng spider sa tabi ng kanyang luggage.

Takot na takot si Ruffa. Nagtititili rin si Ruffa kapag nakakakita ng cockroach.

Nang minsang may lumilipad na ipis ay nagtatatakbo pa si Ruffa.

Grabeee!

Hahaha!

‘Yun na!

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with