^

Pang Movies

AiAi hoping pa rin na makakasali sa MMFF

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
AiAi hoping pa rin na makakasali sa MMFF
AiAi delas Alas

Very proud ang 54-year-old  singer-comedienne-entrepreneur na si AiAi delas Alas sa kanyang 25-year-old husband na si Gerald Sibayan dahil bukod sa nagtapos ito ng kursong Sports Management sa De la Salle University in 2016, kamakailan lamang ay nakuha na nito ang kanyang lisensiya bilang private pilot matapos siyang magtapos sa pagi­ging piloto sa Asia’s Institute of Aviation (AIA) kamakailan lamang.  Ang next target ni Gerald ay makuha niya ang kanyang license bilang isang commercial pilot para makapagtrabaho siya sa mga commercial airlines or carriers.

Malaki ang suweldo ng mga piloto lalo na sa mga international carriers at kapag naging commercial pilot na si Gerald, tiyak na ito na ang magbibigay ng pera sa kanyang misis.

Very supportive si AiAi sa tinapos na bagong kurso ng kanyang mister.

Speaking of AiAi, nalungkot ito nang hindi pumasok sa naunang apat na pelikula na pumasok sa 2019 Metro Manila Film Festival ang movie na pinagsasamahan nila nina Coco Martin at Jennylyn Mercado pero umaasa pa rin ang singer-comedienne na may pag-asa pa rin itong makapasok kapag naisumite na ang finished film nito.

Ang natitirang apat pang pelikula na bubuo sa Magic 8 movies ng MMFF ay pipiliin base sa finished products at nakatakdang i-announce on September 20, 2019.

With the presence of AiAi, tiyak na action-comedy ang tema ng pelikulang pagsasamahan nila nina Coco at Jennylyn.

Samantala, kung nung isang taon ay magkakasama sina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza sa 2018 MMFF entry na Jack Em Popoy  na joint production ng CCM Productions ni Coco, M-Zet Productions ni Vic  at APT Entertainment ni G. Tony Tuviera, this time naman ay muling magkasama sina Bossing (Vic) at Maine sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity na action-comedy ang tema.  Nasa hiwalay namang proyekto si Coco kasama sina AiAi at Jennylyn Mercado pero hindi pa sigurado kung ito’y makakapasok sa remaining four slots ng MMFF.

Paolo, Jessy, Isabelle at iba pa magsasama-sama sa horror

Horror-comedy naman ang tema ng pelikula ng OctoArts Films na gusto rin nilang isali sa 2019 MMFF.  Ito’y pinamagatang The Island na tatampukan nina Paolo Contis, Jessy Mendiola, Archie Alemania, Niño Muhlach, Isabelle Daza at iba pa na pamamahalaan ni Marius Talampas na siyang nagdirek ng Ang Pangarap Kong Holdap na ipinalabas nung isang taon ay tinampukan nina Pepe Herrera, Paolo Contis, Jerald Napoles, Pen Medina at iba pa.

Since last year ay tila nabuwag na ang partnership sa pagitan ng OctoArts Films ni Boss Orly at M-Zet Productions ni Bossing (Vic) dahil ang partner ngayon ni Bossing sa pagpu-produce ng pelikula ay ang big boss ng APT Entertainment at TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga na si G. Tony Tuviera.

Ang joint venture nina Boss Orly at Bossing sa pagpu-produce ng mga pelikulang pinagbibidahan mismo ng mister ni Pauleen Luna ay nagsimula nung 1992 sa pamamagitan ng pelikulang Iputok Mo, Dadapa Ako.  Since then ay nagtuluy-tuloy na ang business partnership ng dalawa hanggang sa 2017 MMFF.

Hindi na kasali ang OctoArts sa 2018 MMFF movie na Jack Em Popoy maging sa bagong MMFF movie ni Bossing with Maine. 

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with