^

Pang Movies

Sen. Nancy Binay bashers-free na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sen. Nancy Binay bashers-free na!
Nancy Binay

Happy naman ako dahil wala nang bashers si Senator Nancy Binay.

Mga papuri na ang naririnig at nababasa ko tungkol sa Filipiniana gown na ginamit ni Senator Nancy sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte noong Lunes.

Pati si Senator Nancy, tuwang-tuwa dahil sa wakas, she got it right. Hindi na siya inookray ng kanyang bashers na ginawa nang tradisyon ang pag-aabang sa mga isinusuot niya sa SONA simula pa noong 2014.

In fairness kay Senator Nancy, loyal client siya ng fashion designer na si Randy Ortiz. Kahit inokray noon ang mga damit na ginawa ni Randy para sa kanya, never na nagpalit ng designer si Senator Nancy. Hindi siya tumigil sa collaboration nila ni Randy hanggang makuha nila ang perfect outfit para sa kanya.

Sen. Imee umaming dilawan sa SONA

Maganda rin ang gold gown ni Senator Imee Marcos na gawa naman ng fashion designer na si Mak Tumang.

Nagbiro si Mama Imee na dilawan siya noong SONA dahil sa kulay ng damit niya. Sinabi rin ni Mama Imee na nakakasawa na ang bangayan dahil sa mga political color.

Pero sabi nga you cannot please everybody kaya nakatikim ng bashing si Mama Imee at si Mak na favorite designer ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Yasmine parang hindi nanganak!

Simple but very elegant ang white dress ni Yasmine Vargas, ang asawa ni Alfred Vargas.

Hindi artista si Yasmine pero celebrity ang treatment sa kanya ng mga tao na nakahalubilo nila ni Alfred sa red carpet ng SONA.

Bilib na bilib kay Yasmine ang mga tao dahil parang hindi siya nanganak. Mabilis na bumalik ang kanyang sexy figure matapos na isilang niya noong December 2018 ang bunso and only son nila ni Alfred na si Alfredo Cristiano.

Walang-wala sa itsura ni Yasmine na nahirapan siya sa pagbubuntis kay Cristiano dahil ang ganda-ganda niya nang umapir sila ni Alfred sa SONA.

Mga anak na babae nina Manny at Jinkee, Amerikanang-Amerikana kung magsalita!

Naloka ang mga Pinoy kina Queenie at Princess, ang dalawang anak nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee.

Mga bagets pa sina Queenie at Princess kaya hindi pa sila allowed na panoorin ang mga laban ng kanilang ama. Hanggang sa TV lamang sila puwedeng manood kaya tinanong ang reaksyon ng mga bagets tungkol sa pagbabawal sa kanila na panoorin ng live sa loob ng MGM Grand Arena ang pakikipagbakbakan kay Keith Thurman ng tatay nila.

Sa interbyu sa magkapatid tungkol sa kanilang famous father, naloka ang lahat dahil Inglesera with matching American accent ang pagsasalita nina Queenie at Princess.

May mga nagbiro nga na magaling pa na mag-Ingles ang Pacquiao sisters kesa sa kanilang mga magulang na hindi naman surprising dahil nag-aaral sila sa international school.

Masuwerte ang Pacquiao siblings dahil nabibigyan sila ng magandang edukasyon at kinabukasan ng kanilang mga magulang na talagang pinaghirapan ang lahat ng mga kaginhawahan na tinatamasa nila sa kasalukuyan.

I’m sure, may mga moment na hindi masyadong naiintindihan ni Papa Manny ang mga sinasabi nina Princess at Queenie dahil sa accent ng mga bagets na Amerikanang-Amerikana ang pagsasalita.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with