^

Pang Movies

Mayor Isko marunong tumanaw ng utang na loob

Vir Gonzales - Pang-masa
Mayor Isko marunong tumanaw ng utang na loob
Mayor Isko Moreno

MANILA, Philippines — Sino ang mag-aakala na ang bagong ama ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay hindi takot na lumuha sa harap ng maraming tao?

Sa nakaraang panayam sa kanya ng batikang anchor na si Mike Enriquez, napaiyak si Mayor Isko dahil sa lumang video na kanyang ipinapanood dito, isang taong mahalaga sa kanya – si Kuya Germs (German Moreno).

Tinulungan siya nitong makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapasikat sa kanya sa programang That’s Entertainment.

Domagoso ang tunay na apelyido ni Mayor Isko, pero pinalitan lamang ito ni Kuya Germs ng Moreno para mas magkaroon siya ng appeal.

Hangang-hanga ang marami kay Mayor Isko dahil sa kabila ng mga tinatamasa niyang tagumpay ngayon, hindi pa rin siya nakakalimot sa mga taong tumulong sa kanya at naniwala, marunong pa rin itong tumanaw ng utang na loob.

Marissa del Mar may sarili nang show

Masuwerte ang dating aktres na si Marissa del Mar dahil magkakaroon na siya ng sari­ling programa sa GMA-7 na kung saan ang mga ipapalabas ay tungkol sa buhay ng ating mga kapamilyang OFW, ito ay ang World Class Ofw.

Dating sexy star si Marissa at naging bida sa ilang mga sexy ding pelikula. May anak siyang singer, si Princess del Mar.

Ion pinagdududahan pa rin kay Vice

Sa darating na Metro Manila Film Festival 2019, muli na namang kasali si Vice Ganda at nakakatuwa dahil ang kalaban niya noong nakaraang taon na bida sa pelikulang Aurora na si Anne Curtis ay makakasama na rin niya ngayon, plus Tony Labrusca. Ito ay sa pelikula nila na Momalland.

Samantala, bukod sa MMFF entry, abala pa rin ngayon si Vice sa programa niyang Gandang Gabi Vice at It’s Showtime na kung saan madalas niyang nakakasama ang ru­mored boyfriend niyang si Ion Perez. Sila madalas ang inaabangan ng audience at viewers sa mga bahay-bahay, lalo na pag segment na ng Kapare-Who, dahil doon sila madalas na magharutan kasama si Ate Girl Jackie.

Masaya ang lahat ng taong nakapalibot sa kanila, dahil sa wakas ay nakahanap na ng totoong kaligayahan si Vice. Bali-balitang namanhikan na ang pamilya nito sa pamilya ni Ion, at ang ilang mga larawan ay lumabas na sa social media.

Samantala, hindi pa rin naman maiwasang marami pa rin ang duda kay Ion sa intensyon nito kay Vice, after all, lalaki pa rin siya at guwapo. Posible pa rin siyang maghanap ng tunay na babae.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with