^

Pang Movies

Jane pinag-iingat!

Vir Gonzales - Pang-masa
Jane pinag-iingat!
Jane De Leon

MANILA, Philippines — Mistulang nanalong beauty queen si Jane De Leon magbuhat noong mapili siyang gumanap ng iconic superhero ni Mars Ravelo na si Darna.

Natalbugan pa nga niya ang ibang beauty queen dahil isang taon lang mamamayagpag ang mga ito samantalang matagal pag-uusapan ang pagiging Darna niya.

Daan-daan ang nag-audition kaya naman hindi makapaniwala si Jane na siya ang mapipili ng Star Cinema.

Masasabing hindi galing sa mayaman na pamilya si Jane at kinakailangan pa nga niyang lumuwas mula sa San Pedro, Laguna kapag siya ay may shooting/taping.

Ngayon pa lamang ay pinag-iingat na si Jane para hindi siya matulad kay Liza Soberano na na-injured ang daliri sa paggawa ng action scene sa isang teleserye at kay Angel Locsin na mayroon ding diperensya ang likod.

Bait-baitan ni LT napansin ng komedyana

Hindi akalain ni Lorna Tolentino na magiging tinik pala sa kanyang landas para mapaibig si Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano ang komed­yanang si Whitney Tyson.

Nahahalata kasi ni Whitney ang pagbabait-baitan ng aktres kay Rowell.

Binigyan ni Coco ng break si Whitney na kababayan niya sa Pampanga. Malaking pasasalamat ng komedyana dahil kahit paano nabigyang pansin ang acting niya ng aktor.

Personal…

Birthday greetings to Elizabeth Oropesa, Shiela Ysrael, Deo Macalma, Sherwin Alfaro, Elvis Presley at Nerissa Cabral.  

 

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with